Chapter 9

13 1 0
                                    

Goodbye

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at humikab.

Tumingin ako sa gilid ko at mabilis na napaupo nalang ako ng hindi ko makita si Diarian.

Saan ba nagpupunta yon? Himala at maaga siyang nagising.

Naligo na ako at nagbihis sabay labas ng kwarto at bumungad sakin ang madaming pagkain na nakahanda.

Napatingin ako sa kusina ng lumabas si Rizire na naka-apron habang may dala dalang kaldero at sa loob non ay kanin.

"*"Anong meron?"*"Tanong ko sakanya.

"*"Cake lang ang kinain natin kagabi"*"Sabi niya na ikatigil ko.

"*"Ayos lang naman yon Rizire at hindi na kailangan pang maghanda ng ganyang karaming pagkain"*"Sabi ko.

"*"Sayang... Luto pa naman yan ni Diarian at Zinc..."*"Sabi niya habang umiiling.

"*"Luto nila? Hindi ka kasali?"*"Tanong ko.

"*"Ako ang tagagabay no!"*"Sabi niya habang nakataas noo ng bigla nalang lumabas si Diarian na may dalang sandok at tinuro si Rizire.

"*"Kung tumulong ka nalang kaya samin don! Palagi ka nalang tikim ng tikim wala namang ambag"*"Sabi niya na ikangiwi ko at nakita kong nagtatakbong pumunta sa kusina si Rizire.

Bumaling naman sakin si Diarian at binaba na niya ang hawak hawak niyang sandok.

Ngumiti siya sakin bago siya nagsalita.

"*"Magandang araw Shikira! Mabuti at gising kana"*"Sabi niya at lumapit sakin at hinila ako sa harap ng pagkain at pinaupo doon.

Naglagay siya ng plato sa harap ko at kutsara at tinidor na ikataka ko.

"*"Teka lang Diarian. Saan kayo nakakuha ng mamahaling plato nato at kutsara at tinidor?"*"Tanong ko.

"*"Yan? Hiniram namin yan kay Tita Kiana at pumayag naman siya"*"Sabi niya.

"*"Bakit niyo ginagawa to?"*"Tanong ko.

"*"Hmm... Gaya ng sabi ni Rizire. Cake lang ang nakain natin kagabi. Tapos naghagisan pa tayo ng icing at pirasong cake"*"Sabi niya habang nilalagyan ng pagkain ang platong nasa harap ko.

"*"Tawagin ko lang sila"*"Sabi niya at pumuntang kusina.

Ilang sigundo bago dumating silang tatlo.

Umopo sila sa harap ko at sa gilid ko naman ay si Diarian.

"*"Kainan na!"*"Sabi ni Rizire at aktong kukuha ng tapikin ni Diarian ang kamay niya.

"*"Si Shikira muna! Espesyal siya kaya dapat siya lang ang unang tumikim"*"Sabi niya na ikangiwi ko.

Hindi nalang ako umangal at tinikman ang mga ibat ibang putahe.

Naghintay sila sa sasabihin ko kaya nagsalita na ako.

"*"Masarap"*"Sabi ko sabay ngiti na ikatuwa nila.

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now