Chapter 70

2 0 0
                                    

Third Person POV.

Naglalakad ngayon sa isang mahabang hallway si S.

Ilang minuto na siyang naghahanap kung saan itinago ng mga nakacloak ang mga estudyante.

Napadako ang tingin niya sa isang pinto na naiiba lang ng kulay sa mga ibang pinto na nadadaanan niya.

Dahan dahan na hinawakan niya ang doorknob pero bigla nalang niyang mabilis na binawi ang kamay niya.

"*"Bakit ang init? Aish."*"-S.

Nilibot niya ang paningin niya sa buong paligid at umaasang may makikita siyang gamit na pwede niyang gamitin para mabuksan ang pintuang nasa harapan niya.

Napatigil siya at napahinto sa paghahanap ng makaramdam siya ng matalim na bagay na nakadikit sa may leeg niya.

"*"Sino ka?"*"

***
S POV.

Lumunok muna ako bago nagsalita.

"*"Nawawala ako. Hindi ko alam ang daan palabas"*"Sabi ko at napangiwi nalang ako ng mas lalong itinutok niya ang espada niya sakin

Sumulyap ako sakanya at nakita ko ang isang lalaking nakacloak.

"*"Sumama ka sakin"*"Sabi nong nakacloak at binaba ang espada bago kumuha ng isang bakal na pantali at itinali iyon sakin.

"*"Bakal talaga? Pwedeng itali mo nalang ako sayo?"*"Sabi ko na ikailing ng lalaking nakacloak.

"*"Hindi mo alam kung sino ang kinakausap mo. Mabuting itikom mo nalang ang bibig mo kung Mahal mo pa ang buhay mo"*"Sabi nong nakacloak na ikangiwi ko.

"*"Mahal ko talaga buhay ko. Ikaw buhay ko eh"*"Sabi ko at ngumiti sabay tingin sa itaas at pinakitang kinikilig ako sa sariling banat ko.

Napansin kong wala pa ding epekto sakanya ang pinapakita kong pagmamahal na ikasimangot ko.

Sayang ka pa naman. Kahit hindi ko nakikita ang mukha mo alam kong gwapo ka. Mata palang.

"*"Ikaw? Mahal mo din ba ang buhay mo?"*"Tanong ko na ikalingon niya sakin pero saglit lang at umiwas.

"*"Para mahalin mo talaga ang buhay mo. Ako nalang ang mahalin mo"*"Sabi ko at kumindat ng mas lalo niyang hingpitan ang pagkakatali na ikangiwi ko.

"*"Hinay hinay naman. Kung hindi lang talaga kita Mahal"*"

"*"Tumahimik ka pwede? Lumakad ka na!"*"Sabi niya at pinaharap ako bago niya tinuro ang isang pintuan na kanina ay sinusubukan kong buksan.

Hinila niya ako papalapit doon bago niya buksan na hindi man lang napapaso kaya manghang tiningnan ko siya.

"*"Mahal na talaga kita. Nakaya mong hawakan ang mainit na doorknob na yon?"*"Manghang sabi ko ng hindi man lang niya ako tiningnan na ikasimangot ko.

Nilibot ko ang paningin ko at napahinto nalang ng makita ko ang mga estudyanteng nakakulong.

"*"Hindi mo ba sila papakawalan?"*"Tanong ko pero ang tingin pa din ay sa mga estudyante.

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now