Chapter 16

9 1 0
                                    

Prince Fire

Habang tahimik lang akong nakikinig sa Prof namin ay bigla nalang akong kalabitin ni Vonia kaya tiningnan ko siya.

"*"Kahapon sa Gym. Hindi na kita natanong dahil nauna ka ng umalis. Napansin ko yong isang lalaki na nakahood. Tapos si Prince Fire"*"Sabi niya kaya tumango ako bilang sagot.

"*"Pamilyar ang hood niya eh. Mukhang siya ang nakabangga sayo kahapon pero hindi ako sigurado ha. Baka bigla bigla ka nalang susugod sa silid aralan nila at talagang malalagot tayo"*"Sabi niya at naalala ko nanaman ang sinabi nong lalaki sakin.

Hindi ka nagkakamali Vonia. Ang siraulo talagang lalaking yon ang bumangga sakin.

"**Ms.Duino and Ms.Chime? Pwede niyo bang ibahagi saamin ang pinag-uusapan niyo"*"Sabay na napatingin kami kay Prof ng magsalita siya at ngayon ko lang napansin na nakatingin pala saamin ang mga kaklase namin.

"*"Pasensya po Prof"*"Sabay na sabi namin.

"*"Sa susunod ay wag niyo ulit na ulitin ang mag-uusap kayo habang nagtuturo ako"*"Sabi niya kaya sabay na tumango kami.

Nagturo na ulit siya sa harap at palihim na sinamaan ko si Vonia na inosente lang akong tiningnan.

Kahapon pa tong si Vonia ang sarap batukan. Kung nandito lang talaga si Shikira baka kanina pa yan nagsorry.

***

Pagkarating namin sa cafeteria ay uupo na sana ako sa pwesto namin ng pigilan ako ni Vonia kaya kinunotan ko siya ng noo.

"*"Ha ha. Baka nakakalimutan mo? Nilibre kita pagpupunta tayo ng cafeteria at dahil may card ka na ikaw naman ang manlibre"*"Sabi niya at umopo.

Nakatingin lang ako sakanya na nakangising nakasandal sa upuan niya at ng makita niya akong nakatingin sakaniya ay tinuro niya ang bilihan ng pagkain kaya wala akong nagawa kundi bumili at gamitin ang card ko.

Ilan kaya ang nasa card ko?

Baka maliit lang ang laman ng card ko dahil libre ang pagpasok ko dito.

Luminya ako at ilang sandali ay ako na ang sunod.

"*"Dalawang kanin. At sabaw nalang po"*"Sabi ko.

Ilang sigundo at nilagay niya sa harap ko ang Inorder ko kaya binigay ko sakanya ang white card pero tiningnan niya lang ito.

Kumaway ako sa harap niya at mukhang natauhan naman siya pero hindi niya kinuha.

"*"Libre nalang para sayo"*"Sabi niya na ikatuwa ko at nagpasalamat.

Kinuha ko na at pumunta sa deriksyon ni Vonia.

Nilapag ko na sa lamesa.

"*"Makakain-"*"Napatingin ako sakanya at nakita kong unti unting nawala ang kaninang malawak na ngiti niya.

Nakatingin lang siya sa pagkain na nasa harap niya sabay tingin sakin at sa card na hawak hawak ko.

Palipat lipat lang ang tingin niya kaya nagsalita na ako.

"*"Hindi ka kakain?"*"Tanong ko.

"*"Ano to?"*"Tanong niya at tinuro ang pagkain.

"*"Pagkain"*"Sabi ko.

"*"Fevune... Nagtitipid ka ba o madamot ka lang talaga?"*"Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"*"Ano namang problema sa pagkain na inorder ko?"*"Tanong ko.

"*"Bakit sabaw ang ulam? May mga ibang ulam naman ah"*"nakasimangot na sabi niya.

"*"Ikaw na nga ang nililibre magrereklamo ka pa. Nagreklamo ba ako nong nilibre mo ko? Hindi diba"*"Sabi ko.

Nakita ko siyang kumain pero halatang pilit na ikailing ko at kumain nalang.

Habang kumakain kami ay biglang bumukas ang pinto kaya sabay na napatingin kami doon o kaming lahat ng nandito. Bumungad samin ang Royals at ang gaganda nila.

May bigla akong naalala na ikalaki ng dalawa kong mata.

Natataranta na tinakpan ko ang tenga ko pati na si Vonia at dahil sa pagkataranta ay natabig ko ang plato ko na ikabasag nito.

Ang kaninang nagsisigawan ay ngayon ay napakatahimik.

Dahan dahan kong inangat ang tingin ko at nakita ko silang lahat na nakatingin sa deriksyon namin o sakin.

Kasali na ang mga Royals.

Pilit na ngumiti ako bago bumaling kay Vonia na nakisabay sa pagtingin sakin. Tiningnan ko siya ng tulong pero umiwas lang siya na ikainis ko.

Humanda ka sakin mamaya.

Nabaling ang tingin nila sa lalaki ng sumigaw ito.

"*"Liit! Ikaw ba yan?"*"Napapikit nalang ako ng mariin ng malaman ko kung sino ang nagsalita sabay sama ng tingin kay PRINCE Fire.

Mukha ba yang Prinsipe? Tsk.

"**Hindi ako maliit"*"Sabi ko na may kasamang diin.

"*"Hindi ka pala maliit? Sige nga. Abutin mo nga yon"*"Sabi niya at tinuro ang lubid na nakatali sa sanga ng kahoy at dahil gusto kong patunayan na hindi ako maliit ay agad na tumayo ako.

"*"Fevune. Hayaan mo nalang siya"*"

Hindi ko na pinakinggan si Vonia at pumunta doon at mabilis na hinila sabay tingin sakanya at ngumisi pero nagtaka ako ng ngumisi siya pabalik kasabay ng malamig na tubig ang biglang bumuhos sakin.

Kasunod non ang mga tawanan na ikangiwi ko.

May humila sakin at nakita kong papunta ito sa garden.

Pinaupo ako at nalaman kong si Vonia lang pala yon.

"*"Sinabi ko na sayo na hayaan mo nalang siya pero hindi ka nakinig"*"Sabi niya kaya napayuko ako dahil alam kong Tama siya.

Kung pinakinggan ko na sana siya edi sana hindi ako napahiya kanina.

"*"Mag-iingat ka sa susunod. Wag kang magpadalos dalos"*"Sabi niya kaya tumango ako.

May binigay siyang towel kaya kinuha ko na ito at hindi na nagtanong kung bakit may dala siyang towel.

Kainis talaga ang lalaking yon. Malas yon sa buhay eh.

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now