Chapter 18

9 1 0
                                    

The Training Went Wrong

Nakaupo ako dito sa sala at nakalumbaba ng biglang may umopo sa tabi ko at alam kong si Vonia yon.

"*"Napano ka? Ayaw mong kumain?"*"Tanong niya.

"*"Sino makakasama mo?"*"Tanong ko.

"*"Oo nga pala! Si Nara ang magiging kasama ko"*"Sabi niya.

"*"Diba kaklase natin yan?"*"Tanong ko at nakita ko siyang tumango.

"*"Nga pala. Usap usapan ka sa mga estudyante ngayon"*"Sabi niya kaya mabilis na napatingin ako sakanya.

"*"Bakit?"*"Tanong ko.

"*"Sino ba naman ang hindi ka pag-uusapan? Ikaw kaya ang maswerteng estudyante na makakasama sa pagsasanay si Prince Fire"*"Sabi niya na ikangiwi ko.

"*"Ang malas ko kaya"*"Sabi ko.

"*"Anong malas? Hindi no!"*"Sabi niya.

"*"Pwede bang magpalit tayo ng numero?"*"Tanong ko ng taasan niya ako ng kilay.

"*"Ayaw ko nga. Mas mahirap ang pagsasanay kapag kasama ang Isa sa mga Royals. Ewan ko ba sa ibang estudyante at gusto silang makasama"*"Sabi niya.

"*"Kumain ka na. Ingat ka ha"*"Sabi niya at nagpaalam sakin bago umalis ng dorm.

Kumain nalang ako ng tahimik at ng matapos ay lumabas na ako.

Hinanap ko ang training room na sinabi sakin ng isang estudyante ng magtanong ako.

Hindi ko naman kasi alam kung na saan ang training room dahil nakalimutan sigurong ituro sakin ni Vonia.

Mabilis na nahanap ko naman agad pero ang problema lang ay hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang lokong yon.

Ang daming mga kwarto kasi.

Isa Isa kong binuksan ang mga kwarto. Yong iba pinagalitan pa ako. Yong iba naman ay kumaway sakin.

Natagalan pa ako sa ibang kwarto dahil bigla nalang nila akong hilahin papasok at kung ano ano nalang ang tinatanong.

Mabuti nalang talaga at nakatakas ako sakanila.

Dalawang kwarto nalang ang natitira at naiiba ito sa kwartong na pasukan ko.

Malayo din ito sa kwartong na napasukan ko kanina.

Dahan dahan na binuksan ko ang pinto at halos mapasigaw ako sa gulat ng makita ko ang bumungad sakin.

May dalawang lalaking nagbibihis at ng mapansin kong lilingon ang isang lalaki ay mabilis na sinarado ko ang pinto at napahawak nalang sa dibdib dahil sa kaba.

Baka pagkamalan akong nambubuso.

Napatingin ako sa isang pinto.

Kung yan ay bihisan ng mga lalaki.

Baka bihisan yan ng mga babae.

ZANYIER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon