Chapter 38

3 0 0
                                    

Pagsubok 4

***
Fevune pov.

Nakangiwing nakikinig lang ako kay Fire ngayon.

"*"Tsk. Bakit ka ba sumulpot kanina? Ha? Alam mo bang malapit ka ng kainin ng leon na yon? Di ka ba nag-iisip ha? Wag kang magpadalos dalos"*"

"*"Diba sabi ko sayo kanina. Na don lang kayo at kami na bahala? Yan kase ang hirap sayo. Napakatigas ng ulo mo. Pati na yong mga may takip ng mukha nahahawa diyan sa pagiging matigasin ng ulo mo"*"

"*"Upo!"*"

Mabilis na napaupo ako. Sabi niya eh.

Hinila na niya ako patayo.

"*"Eto! Eto na ang sinasabi ko! Tumingin tingin ka nga sa paligid mo! Ako nalang ba ang poprotekta sayo? Di ka man lang ba magiging alerto sa paligid mo? Di sa lahat ng oras nasa tabi mo ako"*"

"*"Di ko naman sinasabi na protektahan mo ako! Sinabi ko ba! Ha-"*"

Bigla nalang napahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na ikatigil ko sa pagsasalita.

"*"Mas mabuting tumahimik ka nalang diyan"*"Sabi niya sa seryosong tono na ikatikom ng bibig ko.

Napatingin ako sakanya na ngayon ay seryosong nakikipaglaban gamit ang isang kamay.

Di ba siya nahihirapan?

At... Bakit ko ba nasabi yon.

Pero bakit ba parang nakokonsensya ako? Bakit parang gusto kong bawiin ang sinabi ko kanina.

Iniling ko ang ulo ko.

Mas mabuting maging alerto nalang ako sa paligid ko.

namin.

***
Shikira pov.

"*"Oh ano? Lalaban ka? Hindi mo ako kaya! May armas ako tapos ikaw wala"*"Sabi ko sa dambuhalang nasa harap ko.

Naku naman. Wala man lang bang tutulong sakin?.

"*"Alam mo bang eto ang napalakas na armas sa buong Zanyier. Kaya nitong pumatay ng isang sigundo"*"Dugtong ko.

"*"Kaya may oras kapa para umalis. Dahil alam mo? May kabaitan pa naman akong natitira kaya umalis ka na bago pa magbago ang isip ko"*"Sabi ko at tumuwid ng tayo.

Nakatingin lang siya sakin at bigla nalang siyang umatras.

Ganyan nga. Umatras ka. Matakot ka.

Pero nagulat nalang ako ng bigla nalang siyang sumigaw na ikatakip ko ng tenga dahil sa lakas kasabay non ang paggalaw ng sahig.

Para bang may paparating.

Napatigil na din sila sa pakikipaglaban.

Tumingin ako sa nanggagaling na malakas na kalabog at halos paulit ulit na akong napalunok ng makita ko ang mga nagdadambuhalang mga kung ano.

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now