Chapter 52

1 0 0
                                    

~***~

"Ano? May nakita ka ba?"

"Teka lang Feviane. Binubuksan ko pa nga ang pinto"

"Tagal naman"

"Kung makapagreklamo ka diyan Olivia"

"Tama na yan. Nasan si Air?"

"Aba malay ko Earth"

"Anong ginagawa niyo diyan?"

"Air? Air! Hali ka dito!"

"Shh... Wag kang sumigaw Earth. Baka magising natin sila"

"Ano bang nandyan?"

"Mag invisible ka nga Air tapos pasukin mo tong kwarto"

"Huh? Bakit?"

"Gawin mo nalang"

"Ano ba kasing nandyan?'

"Basta. Pasukin mo na ang kwarto"

"Bahala kayo. Ayaw ko nga. Ayaw kong masali diyan sa mga kalokohan niyo"

Nagising ako dahil sa ingay sa labas ng kwarto.

Dahan dahan na minulat ko ang mata ko at napatulala sa kisame nang may bigla akong naalala.

"*"Dito nalang ako sa sofa. Diyan ka sa kama"*"

"*"Bakit? Ibig kong sabihin-"*"Nang bigla niya akong pinutol.

"*"Gusto mo kong makatabi?"*"Sabi niya na ikatigil ko at mabilis na umiling.

"*"H-hindi. Pwede ka namang tumabi sakin. Ano namang mali don?"*"Sabi ko at saglit na napatitig siya sakin bago tumango.

"*"Okay."*"Sabi niya at naunang humiga.

"*"Tatabi ka talaga?"*"Tanong ko.

"*"Ano ba dapat?"*"Tanong niya pabalik na ikailing ko at naglagay ng unan sa pagitan namin.

"*"Anong ginagawa mo?"*"Tanong niya.

"*"Naglalagay ng unan?"*"Patanong na sagot ko.

"*"Alam ko. Bakit mo nilalagyan?"*"Tanong niya na ikatigil ko pero kalaunan ay humiga.

"*"Matulog ka nalang diyan. May misyon pa tayong gagawin bukas"*"Sabi ko at pumikit.

***

'Sleep my Darling...'

"Ano ba! Hoy Air. San ka pupunta?"

"Aalis?"

"Bakit ka aalis?"

"Bahala na kayo diyan. Kalokohan niyo yan. Wag niyo kong madamay damay"

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now