STBFL: Chapter 24

Start from the beginning
                                    

"Hindi ko kaya."

"Ganyan din ang sinabi mo nang mawala si Mama." Bulong ni Kuya Diel, "Pero nagawa mo para kay Dad, ngayon, hihilingin namin na kayanin mo para sa amin ni Kiel." Dagdag ni Kuya Diel at marahang pinunasan ang luha ko, mas lalo lang iyong nag unahang tumakas kahit pa marahan ko na lamang tinanguan ang mga sinabi nila sa akin.

"We are still here, bunso ka, sa tingin mo ba pababayaan ka namin? Dalawa kaming Kuya mo, nandito pa kami." Ani Kuya Diel at hinalikan ang buhok ko, tumango ako sa kanya.

Ayokong maging pabigat sa kanila, si Kuya Diel alam kong may sariling pamilya na siyang dapat iniintindi at hindi lang ako. Si Kuya Kiel naman ay hindi makapag asawa dahil sa akin. My god, Rhyme, masyado kang nakadepende sa mga tao sa paligid mo, bakit hindi mo magawang tumayo sa sarili mong mga paa? Bakit hinahayaan mong ikaw ang alagaan? Hindi ba dapat ikaw naman ngayon ang bumawi?

"Let's go, mukhang uulan na." Sambit ni Kuya Diel na ngayon ay nakapamulsa sa harap ng puntod ni Dad. Umupo ako at marahang hinaplos ang puntod nilang dalawa ni Mama na magkatabi ngayon.

"Masaya na siguro ngayon si Dad, kasama na niya si Mama." Nakangiti pero umiiyak na bulong ko, umupo rin sa magkabilang gilid ko si Kuya Kiel at Kuya Diel saka inakbayan ako.

"Napanaginipan ko sila, magkasama. Magkahawak kamay." Bulong ko.

"Ma, Dad. I'm sorry." Bulong ko, sorry sa katigasan ng ulo ko.

"Dad, sorry kung sinayang ko yung mga panahong magkasama dapat tayo. Sorry kung nilulong ko ang sarili ko sa mga masasang bisyo." Bulong ko.

Alak, sigarilyo, party kung saan saan, gastos ng pera ng pamilya ko, makipag away sa mga bar. Ganyan ang naging buhay ko magmula nang mawala si Mama, at alam kong sobrang binigo ko si Dad na kulang na lang ay sukuan niya ang pag uugali ko.

"But I promise, I'm not going to make the same mistakes again."

Isang linggo ang hiningi ko kela Kuya upang hayaan akong mag isa sa kwarto, ipinangako ko sa kanila na pagkatapos ng isang linggo ay susubukan kong mamuhay ulit ng normal. At itong araw na 'to na ang huling araw na ibinigay nila sa akin, nakatitig lang ako sa kisame habang patuloy sa pag iisip ng mga alaala noong buo pa ang pamilya namin.

Hindi naman kasi ganoong kadali maghilom ang sugat sa puso ko dahil sa mga biglaang pangyayari sa amin.

"Lord, hindi ko alam kung ano bang plano mo sa akin. Pero hahayaan na po kitang gawin ang kung ano mang gusto mo para sa kapalaran ko." Bulong ko at huminga ako ng malalim.

Tamad akong bumangon mula sa kama at halos pandirihan ko ang sarili ko nang makita ko ang sarili ko sa full body mirror ko dito sa kwarto. Dikit dikit ang buhok ko, puro palit lang ng damit ang ginagawa ko sa buong linggo at walang suklay suklay.

"For sure, kung nandito si Dad, aasarin lang ako non." Bulong ko sa sarili at dumiretso na ako sa cr upang maligo.

Tulala akong nakatapat sa shower nang biglang kumirot ang puso ko nang maalala ko si Andres. Ilang tawag na ang nirereject ko sa kanya, at kagaya ng gusto ko hindi siya nagpakita sa akin hanggang sa ilibing si Dad. Nakita ko doon ang Daddy niya pero hindi na ako lumapit sa kanya, hinayaan ko nalang na sila Kuya Kiel ang umasikaso sa kanya. Masyado akong naging malupit sa kanya noong nakaraang araw, pero ni hindi magawa ng puso ko ang kumawala ng galit para sa kanya.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit niya itinago sa akin ang lahat ng nangyari. Sa kwento sa akin ni Kuya Kiel ay sa ikatlong araw nila Andres sa Singapore ay doon inatake sa puso si Dad, paano naitago sa akin ni Andres iyon sa loob ng apat na araw?

"Sila Kuya?" Mukhang nagulat pa si Raquel nang makita niya akong lumabas na ng kwarto ko, nandoon siya sa kwarto ni Kuya Kiel at nag aayos.

"Maaga silang umalis Ms.Rhyme, mag iisang linggo na ngang hindi natutulog dito si Sir.Kiel, umuuwi lang siya para maligo yata. May problema pa rin kasi sa kumpanya niyo." Aniya, nakaramdam ako ng pagkainis sa sarili, hindi manlang ako makagawa ng paraan para tulungan sila.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Where stories live. Discover now