Chapter 38

14.9K 326 15
                                    

Shey's POV

"STUPID!" Isang sampal ang natanggap ko mula sa aking ama, si Arnold Hillford.

"Ilang taon kong pinagplanuhan ang lahat! Pero sinira mo lang! Bakit? Dahil nagseselos ka sa babaeng yun? That's your fault! If you had already made your move bago dumating ang babaeng yun, eh di sana kayo na ng anak ni Tobias! You are useless! Pareho kayo ng walang kwentang kapatid mo!" Malakas na sigaw nito. Tila dumadagundong sa buong kwarto ang boses nya.

Masama kong tiningnan ang aking ama.

"Don't you compare me with that bastard! I am much better than her!"

Galit na sagot ko dito. Inisang hakbang nito ang pagitan namin.

Mahigpit na hinawakan nito ang panga ko.

"Don't talk back at me. Kung wala ka lang pakinabang matagal na kitang dinispatsa." Marahas na binitawan nito ang panga ko. I just looked at him blankly. Sanay na akong itrato ng ganito. He is a monster.

Tumalikod ito sa akin.

"Stay here. Mainit pa ang mga mata sayo ng mga Villarama. Good thing I still have a card against El Griego" Yun lang at umalis na ito sa kwarto ko. Pabagsak na isinara nito ang pinto.

Dahil sa inis ay mabilis na hinablot ko ang katabing vase at itinapon iyon. Napansin ko pa ang pagdugo muli ng sugat ko na tinamaan ni Matt ng baril.

Kung hindi lang dumating si Stephanie, maayos na sana ang plano ko. Makukuha ko na sana si Titus. Kikilalanin na sana ako ng ama ko.

"Arghhhh!" napasabunot ako sa buhok ko at napaupo sa sahig. I looked at the picture frame beside the table.

It's my mother's solo picture.

My mother and father married each other for convenience. No love involved. My mom died the moment I was born. She had a weak heart when I was conceived and she chose to save me. Walang pakialam noon si dad kung sino ang kailangang maligtas. Ni hindi nga yata ako nagawang alagaan ni dad noong isilang ako.

When I was seven years old, ibinigay ako ni dad kina Manang Linda and told me na dapat sila ang kilalanin kong magulang. Wala pa akong kamuwang muwang noon. At dahil doon nakasanayan ko na tawagin silang nanay at tatay.

Pumasok na katiwala sina Manang Linda at Manong Roberto sa mga Villarama.

Noong una wala akong pakialam, mas okay nga yun dahil at least, naramdaman ko na meron akong magulang. Kuntento na ako doon.

Isang araw, dumating si Titus sa mansyon. Ang alam ko lamang noon ay galing ito sa ibang bansa.

Palagi ko syang tinitingnan, wala syang ibang kinakausap noon. Tila ba lahat ng kasama nya sa bahay ay hangin lamang. Madalas din itong nagkukulong sa kwarto sa hindi malamang dahilan.

Hanggang sa dumating si Euphymia. Doon ko nakita kung paano ngumiti si Titus. Inggit ang naramdaman ko noon. Naisip ko, bakit hindi ako magawang tingnan ng ganun ni Titus?

When we were ten years old. Doon ko nalaman ang plano ni Dad. He wants to spy the Villaramas. At gusto nya na mapalapit ako kay Titus and make him fall in love with me. Nang sa gayon ay umanib sa amin ang pamilya nito. He is trying to break the El Griego. Isang mafia organization na dati siyang kasapi.

Pabor iyon sa akin. Ngunit hindi naging madali ang lahat. Dahil lahat ng atensyon nya ay na kay Euphymia.

Sinabi ko iyon kay Dad. Neither did I know that Euphymia is the daughter of the person that Dad wants to get revenge to.

And so I told Dad kung nasaan palagi si Euphymia. And later on, they were able to kidnap her.

Hindi ko na alam ang naging detalye noon. Basta ang alam ko ay namatay si Euphymia dahil sa car accident.

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon