chapter 16 - part 2

71.9K 1.1K 55
                                    

Iginiya ako ni Laurence papunta sa kinauupuan ng mga kaibigan nya. Malayo pa lamang ay kumaway na si Stanley nang makita kaming dalawa na papalapit sa kanilang pwesto. Napalingon naman sa amin sina Matt, Cedric at Damon kaya medyo tinubuan ako ng hiya.

"Steph, dito ka na umupo" turo ni Stanley sa katabing upuan nang tuluyan kaming makalapit sa kanila. Pabilog ang lamesa at may sampung upuan. Apat lamang silang nakaupo doon kung kaya't madaming bakante sa lamesa.

Tutugon na sana ako kay Stanley nang bigla akong hinila ni Laurence sa isang bakanteng pwesto. Ipinaghila ako nito ng upuan kung kaya't wala na akong nagawa kung hindi umupo. Agad na tumabi sa akin si Laurence. Ngumiti na lamang ako kay Stanley.

May mag pagkain nang nakahain sa lamesa kung kaya't hindi na kinakailangan pang tumayo. Kasalukuyang kumakain din silang apat nang dumating kami ni Laurence.

Sumimangot naman si Stanley at nagparinig, "Possessive."

"What Rivera? I can't hear you." Tinaasan ni Laurence ng kilay si Stanley kaya agad itong nag iwas ng tingin. Ipinaglagay ako ni Laurence ng pagkain sa plato.

"Wala" nakangusong wika nito kung kaya't napatawa ako ng mahina.

"Eat." Utos ni Laurence at dahil gutom na din naman ako ay nagsimula na akong kumain habang si Laurence ay kumuha na din ng sarili nyang pagkain.

"You look gorgeous, Angel." Narinig kong wika ni Matt.

"Well, she's always beautiful" segunda ni Cedric.

Nilunok ko ang kinakain saka nagsalita.

"Thank you." I said and smiled at them.

Nagulat ako nang ibinaba ni Laurence ang kubyertos nito.

"May I remind you that I am here." Malamig na sabi nito sa dalawa. "And you," humarap ito sa akin at iniangat ang chin ko gamit ang kamay at tumitig sa sakin. "Don't smile at them."

Ikinunot ko ang noo ko para pagtakpan ang pamumula ng aking mukha. Nakakakilig na sana kaso pati pagngiti ipinagbabawal. Tumaas ang kilay ko. Mukhang nagulat ito sa reaksyon ko dahil inalis na nito ang kamay sa ilalim ng baba ko.

"Anong problema mo? Wag mo akong igaya sayo na pinaglihi sa sama ng loob."

Naningkit ang mata nito. "What?"

Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig. Huli na para bawiin ang sinabi ko. Hindi naman siguro counted yung pagtataray ko diba dahil nasa labas kami ng trabaho. Hindi ko sya boss ngayon.

Narinig ko ang pagtawa nina Matt.

"Nice one Steph." Wika ni Cedric sa gitna ng pagtawa.

"Ikaw lang ang nakapag sabi sa kanya ng ganyan. Bilib na ako sayo Angel." Natatawa ding wika ni Matt.

"Tiklop ang taong yelo. One point para kay Stephanie!" Malakas na sigaw ni Stanley kung kaya't nagtinginan sa amin ang mga nasa malapit na lamesa.

Agad namang binatukan ni Cedric si Stanley. "Umayos ka nga. Para kang bata."

"KJ, mukha kang unggoy" nakasimangot na wika ni Stanley.

"Aba't sinong unggoy? Gusto mong sirain ko ang mga computer mo sa bahay mo? Isang tawag ko lang sa mga tauhan ko, basag basag lahat ang koleksyon mo." Iwinagayway ni Cedric ang cellphone nito.

"Subukan mo, ihahack ko ang account mo at ipagkakalat ko ang mga nakakahiyang pictures mo nung bata tayo." Inilabas din nito ang cellphone at ngumisi.

"Tumigil na kayong dalawa. Pinagtitinginan na tayo dito." Awat sa kanila ni Matt.

"Ikaw ang tumigil! Hindi ka kasali sa usapang gwapo!" Sabay na wika nina Stanley at Cedric.

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon