Chapter 35

18.2K 448 58
                                    

Stanley's POV

"Damon" tawag pansin ko kay Damon na kumukuha ng inumin sa vending machine.

Katatapos lang nitong magpakuha ng dugo at hinihintay na lamang kung compatible iyon kay Stephanie.

"Oh?" Tanong nito at uminom.

"About Stephanie" sumeryoso ang mukha ko at naging attentive naman sya sa sasabihin ko.

"I accessed her data. But the logo of El Griego Organization appeared. Is she part of the organization?" Diretsong tanong ko.

Tumalim ang tingin nito sa akin. "Don't dig deeper" naglakad ito palayo.

"Who is she? Kilala mo na ba sya noon pa?" Tanong ko pa. Tumigil ito sa paglalakad pero hindi ito humarap sa akin.

"If you want to ensure her safety, forget what you saw"

And he continued to walk, leaving my questions unanswered.

-----

STEPH's POV

"Princess, wear this necklace." The familiar woman put the necklace on the little girl.

"This is beautiful mama"

The woman smiled. Hinaplos nito ang buhok ng bata.

"You will grow to become a very brave and strong woman. Just don't forget to keep your feet on the ground and always use your mind and heart. For in the future, you'll be running an empire"

"Mama?" Takang tanong ng bata sa ina nito. Umiling naman ang babae at ngumiti.

"You will understand soon princess"

---

"Sino po kayo?" Tanong ng batang babae sa lalaki at babae na nakita nya pagmulat ng mata. "Nasaan po ako? Nasaan po si mama?"

Nagulat ang babae. Marahil ay hindi inakala na marunong mag tagalog ang bata.

Hinaplos ng hindi pamilyar na babae ang bata "Nandito ka sa rest house namin. Wag kang mag alala, ligtas ka dito. Hahanapin natin si mama mo okay? Sa ngayon magpahinga ka muna"

----

"Ariela! Hindi natin pwedeng ipagkait sa bata na makita ang magulang nya! Pumunta dito si Carol. Kilala niya ang tunay na magulang ni bata. Makapangyarihan ang pamilya nya!"

"Anak ko si Stephanie!"

"Mahal, matagal ng wala ang anak natin. At hindi Stephanie ang pangalan ng bata. Huwag natin ipagkait sa bata na makita ang tunay niyang magulang"

Umiyak ang babae at niyakap ito ng asawa.

----
"Anak, gusto mo na bang makita ang tunay mong magulang?" Tumango ang batang babae.

"Pasensya na po mommy, alam ko pong nangungulila kayo kay Stephanie."

Umiling ang babae.

"Kami ang dapat humingi ng pasensya dahil inilayo ka namin sa tunay mong magulang. Nasabik lang ako na magkaroon muli ng anak"

"Ihahatid ka na namin sa tunay mong magulang"

----

"Arthur anong nangyayari?" Niyakap ni Ariela ang bata.

"Hindi gumagana ang preno!" Nakita ng babae na may paparating na truck sa intersection.

"Arthur may Truck!!" Sigaw nito pero huli na ang lahat. Niyakap ng mahigpit ni Ariela ang bata at ginawang panggalang ang katawan nito.

Malakas na tunog ng gulong at pagbangga ang umalingawngaw sa lugar na iyon.

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon