Chapter 24

41.3K 906 58
                                    

Steph's POV

"Kamusta naman mam ang Singapore? Yieee, magkasama sila ni boss pogi" bungad sakin ni Shana pagdating ko sa planta. Umupo ako sa pwesto ko.

"Work naman ang pinunta nila dun. Kilala mo naman si boss. Workaholic" singit ni Layla.

"True, never ko pa nakita nagka girlfriend si sir. Swerte siguro ng babaeng magugustuhan nya" wika ni Maricel.

I cleared my throat. Girlfriend here.

"May mga pasalubong nga pala ako sa inyo" nilabas ko ang mga paper bags at inabot sa kanila.

"Oh my gee. Thank you ma'am, you're the best" niyakap ni Shana ang paperbag at agad na binuksan. Mga damit iyon na pinamili ko nung last day namin.

"Salamat ma'am" wika naman ni Maricel at Layla.

Ngumiti ako sa kanila.

"Nandito pala si sir Titus. Mukhang napapadalas na ang pagdalaw nya sa planta ah" narinig kong wika ni Layla.

Napatingin ako sa labas ng office at nakita ko ang pagdaan nito.

Nag insist kasi sya na ihatid ako ngayong umaga. Tumanggi ako pero hindi din sya nagpatinag.

I also told him na kung pwede ay wag muna naming ilabas sa office na kami na dahil ayokong maapektuhan ang pakikitungo ng ibang empleyado sa akin sa work. Baka mailang sila sakin.

Noong una ay hindi sya pumayag pero kalaunan ay sumang ayon na din sya.

"Oo nga no. Pero siguro gusto nya lang maging hands on dito sa planta." Segunda naman ni Maricel.

"Ah basta, mas okay na yan para palagi nating nakikita ang kagwapuhan ni boss"

"Shhh. May makarinig sayo dyan Shana. Alam mo namang terror yung boss natin" saway ni Layla.

"Tayo tayo lang naman nandito eh." Kibit balikat nito at nagpatuloy na sa ginagawa.

Ako man ay nagsimula ng gumawa ng report para sa naging visit sa Singapore pagkatapos ay diniscuss ko iyon sa Plant Manager.

Nang matapos ko ang report ay nag stretch ako ng sumandal sa upuan. Napatingin ako sa oras. 1030 am na pala.

Biglang nag ring ang telepono. Si Shana ang sumagot. Napatingin ito sa akin.

"Ma'am, sir Titus is on the phone."

Tumango ako at agad na kinuha ang telephone sa tabi ko. Connected kasi ang telepono namin. Isa sa tabi nina Shana at isa sa tabi ko.

Sinenyasan ko sya na pwede na nyang ibaba ang telepono nya.

"Hello"

"Sweetheart" agad na bungad nya. Napatingin ako sa mga kasama ko at nakatuon ang atensyon nila sakin.

I cleared my throat.

"Yes sir"

He chuckled. Pinagtatawanan ako ng loko

"Oh? They're listening?" Nang aasar ang tono nito.

"Yes sir" ahhh ang hirap pala nito. Mukhang nag baback fire sakin ang desisyon ko.

"Anyway, come here to my office" he said casually.

"Why?"

"I missed you, that's why"

"Magkasa--" napatingin ulit ako kina Shana. Nakatingin pa din sila sakin. Tila curious na curious sa dahilan kung bakit napatawag ang big boss. I composed myself. Muntik na.

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon