chapter 11

70.7K 1.1K 40
                                    

STEPH's POV

"Ang tagal mo" nababagot kong sabi kay Camille mula sa kabilang linya. Sabado ngayon at niyaya niya akong kumain sa labas at sinabing hintayin ko siya sa paborito naming restaurant.

"Wait lang naman bes. I'm on my way na talaga. Yung manager ko kasi dami pang bilin" narinig ko ang pagsara ng pintuan ng kotse niya at pagstart ng makina.

I sighed. Hindi kasi talaga ako matiyagang maghintay. But ano pa bang magagawa ko?

"Okay. Drive safely" Tumugon siya ng okay at ibinaba na ang tawag.

Binuksan ko ang facebook account ko at inaliw ang sarili habang naghihintay.

"Hon, pwede bang sa iba na lang tayo magpunta? Hindi ko gusto ang pagkain dito." natigilan ako nang marinig ang isang pamilyar na boses ng babae mula sa likod ko.

"Bri, pagod na ako. Dito na lang tayo kumain. Isa pa masarap naman ang pagkain nila."

Nanigas ako nang marinig ang boses ng lalaki. Hindi ako maaaring magkamali. Boses iyon ni Tristan.

Dahan dahan akong lumingon sa likod ko at nanlaki ang aking mata nang makumpirma ang hinuha. Si Bridgette at Tristan nga.

Agad kong inalis ang tingin sa takot na baka mapansin nila ako. Ramdam ko ang bumibilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba.

I inhaled and exhaled deeply. Kinuha ko ang bag at dahan dahang tumayo at naglakad palayo, carefully walking para hindi makakuha ng atensyon.

Itetext ko na lang si Camille na sa iba na lang kami magkita. Hindi ko pa kayang harapin silang dalawa. Not now, please. Not now.

But I think, fate is not with me.

Dahil hindi pa ako nakakalayo ay nabangga ako ng isang waiter at nalaglag lahat ng utensils na dala niya.

"Naku sorry ma'am. Sorry po. Hindi po ako tumitingin sa daan" pagsosorry ng waiter habang patuloy na pinupulot ang mga kutsara at tinidor na kumalat sa sahig.

Tinulungan ko ito. "Okay lang, it's my fault too"

"Pasensya na po talaga ma'am"

Nginitian ko ito showing him that it's really okay. Umalis na ito sa harap ko at akma na akong maglalakad palayo nang may tumawag sa pangalan ko.

"Steph? Is that you?" Napapikit ako nang mariin dahil alam kong si Bridgette iyon.

I composed myself and acted confident.

"Yes?" Sagot ko sabay lingon sa kanila. Acting surprised like I didn't know they were here.

"Oh, Bridgette? And Tristan? Fancy meeting you two here" nakatayo ang mga ito sa harap ko. I don't know how to react. But I won't show them na I'm still affected. Never

Nagawa ko ngumiti sa kanila.

Good job Steph. You are such a great actress.

Nakatayo ang mga ito at gulat na nakatingin sa akin. Marahil ay hindi inaasahan ang ginawa kong pagbati sa kanila.

Pinigilan kong mapataas ang kilay.

Bridgette faked a smile nang makabawi sa pagkagulat.

"How are you? Mukhang mag isa ka yata." Tumingin pa ito kunwari sa likod ko na akala mo ay nagtataka kung bakit ako magisa. Malamang girl, inahas mo yung taong dapat kasama ko diba?

Agad kong naramdaman ang inis ngunit hindi ko iyon pinahalata.

Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Tristan na mataman ding nakatingin sa akin.

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon