Chapter 15

63.7K 1K 35
                                    

STEPH'S POV

Nandito ako ngayon sa main office. Laurence told me na dito muna magstay for the whole week. Okay lang din naman kasi medyo nakakapagod din magpabalik balik ng Batangas.

I was just browsing the internet for an available seminar nang biglang bumukas ang pintuan.

Shey became my friend here kung kaya nasanay na din siya na bigla na lang pumapasok sa office ko. Which is not a big deal for me. Mas okay nga yun kasi siya lang naman ang nakakausap ko sa floor na to.

"Steph, pinapatawag ka ni boss." Bungad nito sakin.

Kumunot ang noo ko at binalik ang tingin sa ginagawa "Bakit daw?"

Nagkibit balikat ito "Hindi ko alam ehh. Pumunta ka na. Baka maging dragon pa si boss."

Natawa ako. Nasabi kasi ni Shey na sobra kung magalit si Laurence. Pero never ko pa naman nae experience simula noong dumating ako dito. Siguro dahil hindi naman ako madalas na nandito sa main office.

Tumayo na ako. "Sige na, pupunta na"

Sabay na kaming lumabas ni Shey sa office ko at pumunta na ako sa office ni Laurence samantalang dumiretso si Shey sa table nya.

Huminga muna ako ng malalim saka kumatok.

"Come in"

Binuksan ko ang pinto. "Good morning sir"

"Have a seat"

Umupo ako sa sofa. Hinihintay ko syang magsalita pero dire diretso ang pagpirma niya sa mga dokumento sa lamesa nya na parang isa lang akong hangin dito.

Awkward. Pinapunta punta nya ako dito pero hindi rin pala nya ako papansinin.

I cleared my throat.

"Are you thirsty?" Tanong nito pero hindi man lang nag angat ng tingin.

Umiling ako.

"No sir. Pero akala ko kakausapin niyo po ako. Yun pala mas gusto mong harapin ang mga papeles mo" I whispered the last sentence though. Baka masisante ako ng wala sa oras.

Hindi na ako nagsalita at hinarap na lamang ang phone ko. I was browsing through my instagram nang bigla syang magsalita.

"I want you to come with me tonight."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Looking at his full face with eyeglasses on, napansin ko na mas lalo siyang gumwapo.

He's really handsome and sexy with his eyeglasses on. Now, I want to run my fingers on his hair. I shook my head mentally to remove the unnecessary thoughts.

"Tonight?" I asked.

"Yes."

"Anong meron?"

"It's my parent's anniversary" tumango tango ako. So anong papel ko dun?

"Your parent's anniversary? Ano namang kinalaman ko dun sir? Hindi nyo naman ako kamag anak"

"I am asking you to be my date."

Nanlaki ang mata ko.

"Date? Nah. I'm sure marami ka naman pong makukuhang babae dyan. Sila na lang ang yayain mo"

I told him. Iniiwasan nga kita kasi nalilito na ako sa nararamdaman ko gusto mo pa akong maging kadate? Sa tingin mo papayag ako?

"But I only want you" diretsong wika nito.

Napamaang ako. He said it like it was a natural thing to say.

Naramdaman ko ang pag iinit ng mukha ko.

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon