chapter 21

64.2K 1K 53
                                    

Steph's POV

Nagmamadali akong mag-ayos ng sarili dahil nasa labas na si Laurence. Ngayon ang flight namin papuntang Singapore at maaga syang nagpunta dito sa condo para sunduin ako.

Nang makalabas sa kwarto ay agad kong narinig ang boses ni Camille. Naka leave sya ng ilang araw kaya't nandito sya sa condo.

"Titus, sinasabi ko sayo. Pag may nangyaring masama kay Stephanie, naku susunugin ko talaga yang kumpanya mo." Nakacrossed arms pa si Camille na akala mo ay nanay ko kaya napailing na lang ako. Hindi man lamang pinapasok si Laurence sa loob.

Okay na kay Camille na manligaw si Laurence. Nag usap na sila noong isang gabing inihatid ako ni Laurence sa condo. Daig pa sina tita Carol kung maghigpit.

Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganun ka protective. Kung ako nasa kalagayan niya baka ganun din gawin ko.

"Camille." Kinuha ko ang atensyon nito. Napatingin ako kay Laurence na seryoso lang nakatayo sa may pintuan.

Lumingon sa akin si Camille.

"Oh tapos ka na pala. Hala sige, lumakad na kayo at ng makapag beauty rest naman ako. Yung bilin ko sayo Titus ha." Kinuha naman ni Laurence ang gamit ko.

"Don't worry. She's safe with me" sagot lang nitong si Laurence

"Camille, agang aga yang bunganga mo. Baka magising yung mga nasa katabing kwarto." Saway ko dito. Ewan ko ba, nakalunok yata ng megaphone.

"Bahala sila," kibit balikat nito. "Ikaw Stephanie, wag mo munang isuko ang Bataan ha. Alam kong hot yang si Titus pero magpakipot ka muna." Kumindat ito.

Gusto kong mapa facepalm. Wala talagang preno minsan ang bibig nito.

"Camille!!" Ramdam ko ang init ng pisngi ko nang maalala ang gabing iyon.

Narinig ko naman ang pigil na pagubo ni Laurence sa tabi ko na agad kong siniko. Napatigil ito at pinilit maging seryoso ang mukha bago tumunghay. I heard him cleared his throat.

"We'll be leaving" paalam ni Laurence.

"Sya sige na lumayas na kayo." Itinulak kami nito palabas at isinarado ang pinto.

Napabuntong hininga na lamang ako sa kabaliwan ng babaeng iyon.

"I'm sorry, masyadong energetic si Camille." Nagsimula na kaming maglakad at sumakay sa elevator.

"It's okay. She's just worried. She's always like that so I am used to it." He said at walang ano ano ay pinagsalikop ang kamay naming dalawa na siyang ikinabigla ko.

Nang nakarating kami sa ground floor ay akma ko ng aalisin ang kamay ko subalit nanatiling mahigpit ang pagkakahawak nya.

"Don't let go. Your hand fits perfectly to mine." He looked at our intertwined hands and a small smile formed in his lips. I am enchanted with the view and my heart beats faster. Oh Laurence, what are you doing to me?

Ipinagbukas nya ako ng pintuan sa passenger seat. Nilagay nya ang mga gamit ko sa likod bago umikot sa drivers seat.

Nagulat ako nang bigla nyang nilapit ang mukha sa akin. I am just staring at him wide eyes.

"La-laurence?" He's staring at my lips, his eyes going darker. I heard the click sound of the seatbelt as well as his hard breathing bago lumayo sa akin.

"Seat Belt. I want you safe always."

Huminga ako ng malalim para kumalma. Konting lapit nya ay agad na nagwawala ang puso ko sa kaba.

Pinaandar na nya ang kotse at tinahak na namin ang daan papuntang airport.

_____________________

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon