Chapter 8

77K 1.2K 15
                                    

STEPH'S POV

"Ma'am Steph! Hindi ka na po namin hinintay mag lunch. Kumain ka na po ba?" Bungad sakin ni Shana pagkapasok nila ng office. Ala una na kaya tapos na ang break time.

"Ah oo, kumain na ako" sagot ko dito. Mabuti na lamang at wala pang tao nang lumabas ako sa office ni sir Laurence. Iwas chismis.

"Saan mam? Hindi ka namin nakita sa staffhouse" usisa naman ni Layla.

"Sa labas na ako kumain. Nakakita kasi ako ng kainan kanina. Medyo malayo kasi yung staffhouse kaya lumabas na lang ako"

Mas malayo kasi ang staffhouse dahil bawal ang pagkain sa premises ng production area. Yun ang rules dito sa planta.

"Ganun po ba. Sabagay ma'am. Tinatamad nga din ako minsan maglakad papuntang staffhouse. Kaso wala akong budget pagkain sa labas" wika naman ni Maricel.

Ngumiti lang ako sa mga ito. Mabuti na lamang at hindi na rin nila ako tinanong kung anong pinag usapan namin ng big boss. Hindi ko din alam kung ano ang isasagot dahil wala naman kaming pinag usapan.

Pagpatak ng ala-singko ay agad na silang nag ayos ng gamit. Mukhang hindi uso dito ang magpaka martyr sa trabaho. Yung tipong mag oovertime ka kahit walang bayad. Pagpatak ng 5 talagang aalis na. Mas okay yun sakin. Kasi hindi dapat umiikot sa trabaho ang buong araw. Kailangan din ng work and life balance.

"Aalis na kami ma'am. Ingat ka po pag uwi. See you po on Friday" paalam ni Layla. Sa head office kasi ako bukas.

"Bye ma'am" sabay na wika naman ni Shana at Maricel.

"Bye" paalam ko naman sa mga ito. Inayos ko na ang gamit ko at umalis na din sa office. Magbabiyahe pa ako pabalik ng Manila. Wala kasi akong dalang kotse dahil coding ngayon.

Lumabas na ako ng planta. Habang nag aabang ng bus ay may tumigil na kotse sa tapat ko. Bumusina ito ng malakas.

Kumunot ang noo ko dahil wala namang nakaharang sa daan niya.

Naglakad ako palayo sa kotse ngunit sumunod ito sa akin. Pinagtitinginan na din ako ng ibang empleyado na kasabay kong nag aabang ng sasakyan.

Bumaba ang bintana sa passenger seat nito at bumalandra ang gwapong mukha ng aming boss.

Narinig ko pa ang mahinang pagtili ng mga babaeng katabi ko na animo'y mga kinikilig.

Ramdam ko naman ang nagtatakang tingin ng iba. Alam kong bago lang ang mukha ko at marami pang hindi nakakakilala sa akin. Kung kaya't palaisipan sa kanila kung sino ako at anong relasyon ko sa big boss.

I rolled my eyes. Oh how I hate attention.

'What?" I mouthed.

"Get in" malamig na utos nito.

"Ayoko."

"Ms. Dela vega. I said get in. Do you want me to drag you inside my car?"

Inirapan ko siya. Kung hindi ko lang to boss nasakal ko na to ng bongga. Grabe makautos. Lumalayo na nga ako lapit pa ng lapit.

Padabog akong sumakay sa sasakyan niya not minding the deadly stares around me.

Nagtaka ako kung bakit hindi pa sya tumatakbo. Lumingon ako sa kanya ngunit nagulat ako nang makitang nakatitig ito sa akin. Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi at umiwas ng tingin.

"Bakit hindi pa po tayo umaalis sir?" Tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtikhim nito.

"Seatbelt Steph" mahinang sambit nito. Saka ko naalala na hindi pa pala ako nakaseatbelt.

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon