Chapter 22

69.7K 1.1K 121
                                    

Steph's POV

"Anong gagawin ko dito?" Pang apat araw na namin dito sa Singapore. Tapos na din ang inspection ko sa supplier nung tuesday pa. Dapat maglilibot na kami ngayong araw kaso inextend ng investor nya yung business meeting. Marami pa daw kasing hinihingi yung investor.

Medyo disappointed ako kaso anong magagawa ko diba?

Inayos nya ang necktie nya.

"You can sleep"

"Yeah. I've been sleeping the whole day yesterday and the whole night. Great." Humiga ako sa kama at nagcheck ng phone.

"I'm sorry. I promise we'll be going to tour the place tomorrow sweetheart."

Napatingin ako sa kanya. Hindi pa din nya maayos ang necktie nya kaya bumangon na ako at lumapit sa kanya.

"Let me do it" kinuha ko ang necktie at inayos iyon sa kanya. I'm too focused with what I am doing na hindi ko na napansin na nakatitig na pala sya sakin.

"D*mn, I feel like you are my wife while doing that"

He seriously said. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko at tinapos na ang ginagawa.

"Tapos na" binitawan ko na ang neck tie at lumayo na sa kanya. Umupo ako sa gilid ng kama.

"Anong oras ka uuwi?"

"Hm, afternoon maybe. Why?"

Humiga ako at nag cellphone. "Wala lang"

"I'll be going then" paalam nito.

"Okay." Sagot ko nang hindi man lamang tumitingin sa kanya.

"I said I'm going" ulit nito. Hindi niya ba narinig ang sagot ko?

"Okay. Take care." Hindi ko pa din siya nililingon. Tumalikod na ako at patuloy na nagbrowse sa phone. Ano kayang magandang gawin maghapon?

Akala ko ay nakalabas na sya kaya nagulat ako nang biglang may dumapi sa pisngi ko.

Napalingon tuloy ako sa kanya at napabangon.

"Laurence!"

"Now I caught your attention" he stared at me.

"What was that?"

"I thought you might want to give me a goodbye kiss before I leave?"

Hindi na ako nakasagot. "Anyway, I have to go. The investors are waiting. Don't go out sweetheart okay? Call me if you need something"

Lumabas na ito at naiwan ako sa kwarto. Now what to do?

Nagpabaling baling lang ako sa kama. Ang boring. Kahapon pa ako ganito.

"Gusto kong mag shopping" napatingin ako sa oras. 11am pa lang naman. Hindi naman siguro malalaman ni Laurence na lumabas ako basta makauwi ako agad. Isa pa, pangalawang araw ko ng walang ginagawa. Friday na bukas.

Naisipan ko ng bumangon at mag ayos. Lumabas na ako ng hotel room at naglibot.

Nang mapagod sa kakatingin sa mga boutique ay nagdecide na akong umuwi.

Ang problema nga lang, hindi ko na alam kung paano ako uuwi dahil hindi ko na alam kung saan ako napadpad. Feeling ko ang layo na ng narating ko. Lowbat na din ang phone ko. Nawala sa isip ko na mahina ako sa direksyon at pagtanda ng lugar.

I decided to go to a nearest cafe para magpahinga at para magtanong na din. Umorder na ako at nilibot ko ang tingin sa buong cafe. Wala ng bakanteng upuan kundi sa tapat ng isang lalaki na naka all black. Lumapit ako dito.

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon