Chapter 16 - Part 1

64.4K 1.1K 89
                                    

STEPH's POV

"You ready?"

Napalingon ako kay Laurence tsaka tumango.

Lumabas na ito ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

Inilahad nito ang kamay na siya ko namang tinanggap.

Isang halik ang iginawad nito sa likod ng aking palad dahilan para mamula ang aking mukha.

"Laurence"

Hindi ito nagsalita bagkus ay inakla nito ang aking kamay at saka nagsimulang maglakad.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Namangha ako sa laki ng bahay nina Laurence. What can you expect from a billionaire?

Halos lumubog ako sa hiya habang naglalakad dahil sa mga matang nakatingin sa aming dalawa na tila kinikilatis kung sino ako.

"D*mn. I want to rip their head off. Why do you have to be so gorgeous?"

Napatingin ako kay Laurence dahil nagsasalita ito pero hindi ko naman masyadong narinig.

"Ano ulit?"

Isang buntong hininga ang pinakawalan nito.

"Nevermind."

Tumango na lamang ako, marahil ay hindi naman iyon importante.

"Bro."

Dalawang makisig na lalaki ang bumati kay Laurence. Ang isa ay mahaba ang buhok na naka ponytail, nakabukas ang dalawang butones ng polo nito at may dalawang hikaw na nakakabit sa kaliwang tenga. Typical bad boy image. Ang isa ay naka clean cut at mukhang mabait.

"Xander, Troy." Wika ni Laurence

"Long time no see, Titus." Wika ng lalaking naka clean cut.

Tumango lang si Laurence.

Bumaling ang tingin nila sa akin. Sumipol ang lalaking naka ponytail at ngumisi habang mabait na ngumiti naman ang kasama nito.

"Pretty interesting"

"You must be?" Tanong ng lalaking mukhang mabait.

"Stephanie" nakangiting wika ko.

"I am Troy, Titus' cousin" wika nito.

Nagulat ako ng kunin ng katabi nitong lalake ang kamay ko.

"And I am Xander, nice to meet you Ms. Pretty" akmang hahalikan nito ang likod ng palad ko nang biglang tapikin ito ni Laurence.

Napatingin ako sa katabi ko at madilim na nakatingin ito kay Xander.

"Back off" wika nito sa malamig na tono at agad na hinapit ako sa bewang.

"Aah, Laurence" naalarma ako sa akto ni Laurence.

Malakas na tumawa si Xander dahilan para makaagaw kami ng atensyon.

"Don't be too serious, bro. Ngayon lang kita nakitaan ng ganyang reaksyon and d*mn, the next few days will be interesting for sure."

"Enough Xander. Kilala mo kung paano magalit si Titus." Lumingon si Troy sa amin. "We will leave the two of you. I am sure Tita is looking for you Titus. Nice meeting you Stephanie"

"Nice meeting you too" sagot ko.

"Hope to see you again Ms. Pretty". Alanganin akong ngumiti. Umalis na silang dalawa sa harap namin.

Binitawan na ni Laurence ang bewang ko pero agad nitong ginagap ang palad ko at pinagsalikop ang kamay naming dalawa.

"Don't come near Xander. He's a notorious playboy."

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon