chapter 7

82.9K 1.3K 41
                                    

STEPH's POV

"Eto ang magiging office mo Steph, at sila ang mga makakasama mong inspectors sa team. Si Shana, Layla at Maricel" isa isang itinuro ni Mam Diane ang mga makakasama ko sa team.

Nginitian ko naman ang mga ito at ngumiti sila pabalik. Mukha naman silang madaling pakisamahan.

"Sila ang magrereport sayo ng lahat ng internal quality inspections na gagawin nila dito sa planta, of course, with your approval. Every Monday, Wednesday and Friday dito ka sa planta, then the rest sa Main office. We suggested na mas madalas ka dito sa planta para mas matutukan ang internal inspections. So mas better if nandito ka" paliwanag ni mam diane. Tumango tango ako.

"Okay po ma'am" magalang na sagot ko dito.

"If you have questions, you can go to my office. I'll leave you here" bumaling ito sa tatlong babaeng nasa harapan namin "Iiwanan ko na si mam Steph niyo. Kayo na ang bahalang magtour at mag explain ng mga kailangan niyang gawin. Okay?"

"Yes ma'am" sagot nilang tatlo. Ngumiti lang si mam Diane at lumabas na ng office namin.

"Hello ma'am Steph, I'm Shana po. Grabe ang ganda ganda mo naman po. Nahiya ang katawang lupa namin sa katawang Diyosa mo" Naeexcite na wika nito. Tiningnan ko siya. Cute ang bilogang mukha nito at ang buhok ay hanggang balikat. Hindi ito ganun kataba at hindi din sobrang payat. May pag ka chubby at may katamtamang taas, siguro ay nasa 5'2 ito.

Siniko naman ito ng katabing si Layla. "Umayos ka nga, team leader natin ang kausap mo. Layla nga po pala mam."

Inilahad nito ang kamay na siyang tinanggap ko. Kumpara kay Shana ay matangkad itong si Layla. Kulot ang buhok at balingkinitan ang katawan. Morena ang kulay, pilipinang pilipina.

"Ako naman po si Maricel" Magkasing tangkad lang si Shana at Maricel. Pero payat ang katawan nito at mahaba ang itim na itim na buhok. Maputi ito at kapansin pansin ang dimples sa magkabilang pisngi.

Nginitian ko sila.

"Hi, nice meeting you all, I'm Stephanie Dela Vega"

"Pak, pati boses pang Diyosa, ang lambing" Eksaheradang singit ni Shana.

Natawa naman ako sa sinabi nito. Mukhang magiging masaya ang stay ko dito sa planta.

"Hayaan mo na ma'am. Hindi po nakainom yan ng gamot. Wag po kayong mag alala mamaya uuwi din yan sa mental hospital, dun po ang bahay niyan eh" natatawa ding wika ni Layla.

Nanlaki ang mata ni Shana at hinampas ang katabi sa balikat.

"Tingin mo sakin baliw?" Pairap na tanong nito.

"Oo" magkasabay na sagot ni Layla at Maricel

"Ayy bad. Ma'am, bigyan mo nga sila ng memo. Bullying"

Natawa naman kaming lahat.

Pagkatapos ng ilang minutong kwentuhan ay nagpasya na silang itour ako. Si Layla ang nagpresinta dahil may deadline na report daw sina Shana at Maricel na kailangang ipasa kay ma'am Diane.

Simula sa warehouse kung saan nakaimbak lahat ng materyales, Water Treatment Plant, Production Area, Packaging Area at Laboratories ay inilibot niya ako. Matiyaga nya ding ineexplain kung ano ang mga dapat kong matutunan.

"Hindi mo naman po kailangan ma'am na matutunan lahat lahat. Slowly, makakabisado mo din lahat. Atleast po may idea ka na kung ano ang basic. Paunti unti po ay magiging pamilyar ka na sa proseso dito. At tsaka nandito naman po kaming tatlo nina Shana para tulungan ka ma'am"

"Hindi pa lang siguro ako sanay. Iba kasi ito sa dati kong trabaho"

Naglalakad na kami pabalik ng office at talagang masakit na ang paa ko kahit naka flat shoes ako. Nakalimutan ko kasing mag rubber shoes.

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon