chapter 5

90.5K 1.7K 52
                                    

CHAPTER 5

"Good morning Miss Shey" bati ko sa secretary na nag assist sa amin nung interview. Nag angat naman ito ng tingin mula sa computer at ngumiti sa akin.

"Oh, you are already here. Good morning to you Miss Dela Vega. The president is expecting you today right? Hindi kasi siya nakapasok kahapon that's why, si sir Matt yung nag interview. But anyway, he wants to meet you today, together with the other bosses from the manufacturing plant since you are going to lead the inspection team."

Ngumiti ako dito. "Yes po. Sir Matt kind of mentioned about that yesterday"

"I'll walk you to the conference room. They are all waiting for you there." Tumayo na ito at nagsimula ng maglakad. Sumunod naman ako dito.

"Maaga ba talaga silang pumasok? I mean 7:45 na kasi ako mag time in. I thought maaga na ako" hindi ko kasi inexpect na nandito na sila. Akala ko maghihintay pa ako ng ilang minuto.

"They are always having their early meeting at around 6 am every Tuesday. Minsan kasi bumabalik din ng maaga sa planta yung mga Managers" sagot nito. "Here we are."

Tumigil kami sa harap ng isang malaking kwarto. Kumatok muna si Miss Shey bago binuksan ang pinto. Nasa likod niya ako kaya hindi ko pa nakikita ang mukha ng mga magiging boss ko.

"Good morning po. Sorry to interrupt your meeting but Miss Dela Vega is already here." Pambungad nito.

"Great. You can now go. Thank you Shey." sa boses pa lang ay alam kong si sir Matt iyon. Pamilyar na sa akin ang boses niya.

"Okay sir." Sagot nito at nakangiting bumaling sakin.

"Pasok ka na ma'am"

"Thank you" Nilakihan nito ang bukas ng pinto at binigyan ako ng daan. Nginitian ko naman ito at saka nagpasalamat ulit.

Nang makapasok ako sa loob ay agad akong bumati.

"Good morning po."

Nilibot ko ang tingin. Merong 10 tao ang naroon, tatlong babae at pitong lalaki kasama na si sir Matt. Sila na siguro ang mga may matataas na posisyon sa kumpanya. Tumigil ang tingin ko sa isang lalaking matamang nakatingin sakin.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang lalakeng iyon.

Ang lalakeng nakasama ko ng gabing iyon sa bar. Hinding hindi ako pwedeng magkamali sa mukhang iyon. What is he doing here?

Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan lalo na't malalamig na titig ang ipinupukol niya sa akin. Alam kong nakilala niya ako sa klase pa lang ng kanyang tingin. Hindi malabong mangyari yun.

Iniiwas ko ang tingin ko at pilit na ngumiti. Relax Stephanie.

Bumati naman sila pabalik maliban sa lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng mahabang lamesa, ang lalaking kung tumingin ay parang tagos hanggang kaluluwa. Oo, ramdam ko ang titig niya kahit hindi na ako nakatingin. At pinipigilan ko ang sarili na mapagawi din ang tingin sa pwesto niya.

"Angel, come, sit here." tawag ni sir Matt. Parihaba ang hugis ng conference table at siya ay nakaupo sa isang dulo. Katapat ng lalaking nakilala ko sa bar. Sa kanan ni sir Matt ay may isang bakanteng upuan at doon ako nagtungo. Pagkaupo ko ay siya naman ang tumayo at tumikhim.

"So ladies and gentlemen, this beautiful girl beside me is Miss Stephanie dela Vega. She will be leading the company's inspection team. I hope you'll help her get through her tasks." Bumaling siya sa kin. "So Angel, these are the managers from the manufacturing plant and here in the main office. So you'll meet them every time you have your internal audit on site but sometimes you'll stay here at head office since you'll also do inspections for our suppliers. Let me introduce them to you. Starting from your right Angel is Diane Florecio, the Plant Manager, next is Arnold Chua, the Vice President of Engineering division, Lanie Villela and Elizabeth Ortiz, Production Managers, Ramil Atienza, QAD Manager, Mark Saroza, Head of Purchasing, John Santos, Distribution Head, Frank Atienza, Head of HR and Accounting," itinuro nito isa isa ang mga big bosses. Itinuro naman nito ang lalaking pilit kong iniiwasang tingnan "And of course Miss Steph, he is Laurence Titus Villarama, our company's President."

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon