Chapter 3

89K 1.1K 10
                                    

"Sometimes the hardest thing and the right thing are the same"

- Anonymous

STEPH's POV

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, isama pa ang mabigat na bagay na nakadantay sa aking bewang.

'Wait? May nakadagan sa bewang ko?' Nagising ang diwa ko sa isiping iyon.

Unti unti kong minulat ang aking mata na siyang nagpagulantang sa katawang lupa ko.

"Oh my God" nanlalaki ang aking mata at natutop ang aking bibig dahil ang nasa harapan ko lang naman at katabi ko sa isang kama ay isang estranghero, isang napakagwapong estranghero.

Mabilis kong inalis ang tingin sa katabing lalaki at inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto. Sa kulay pa lang na black and white ay alam kong hindi ito ang condo ko.

'anong nangyari??'

Nagpapanic na tanong ko sa sarili. Agad kong tiningnan ang nasa ilalim ng kumot at nanlumo ako dahil mukhang may hindi magandang nangyari dahil sa katangahan ko.

Pilit kong hinahanap sa aking memorya kung ano ang eksaktong nangyari kagabi ngunit ang naalala ko lamang ay ang muntik ko ng pagka subsob sa sahig ng bar kung hindi lamang ako nasalo ng isang lalaki.

'wait'

My eyes widened because of realization.

Muli akong napasilip sa katabi ko. Mahabang pilik mata, matangos na ilong, mapula at mapang akit na labi, magandang pangangatawan. Siya nga. Naalala ko na.

Ramdam ko ang pag init ng mga pisngi ko ng unti unti bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari.

Tinuktok ko ang ulo ko dahil sa katangahan na ginawa ko. Nagpadala ako sa emosyon at kalasingan ko kagabi.

Oo alam kong gusto kong makalimot pero hindi kasama dun ang ibigay ang iniingat ingatan ko. Naiiyak na ako sa inis. Halos mapunit ko na ang hawak na kumot sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko dito.

I took a deep breath. This is not the right time para magpanic. I need to get out of here as soon as possible bago pa magising ang lalaking katabi ko.

Napatingin ako sa kamay na nakadantay sa aking bewang at dahan dahan itong inalis.

Halos napapitlag ako sa gulat ng bigla itong gumalaw at hinigpitan pang lalo ang yakap sa akin.

'Shit, ang kulit naman'

Nag attempt akong muli na alisin ang kanyang kamay. Gumalaw itong muli ngunit sa kabutihang palad ay tumalikod na ito sa akin at niyakap ang katabing unan.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Thanks God" mahina akong bigkas at dali dali na akong bumangon. Hindi niya dapat ako maabutan.

Hinagilap ko ang suot ko kagabi at kahit may masakit sa pagitan ng aking mga hita ay binilisan ko ang kilos. Hinanap ko din ang shoulder bag na dala kagabi.

Lumingon kong muli ang estranghero.

"I hope hindi na magtagpo ang landas nating dalawa" mahina kong sambit bago marahang isinara ang pinto.

Lumabas ako ng building at agad na pumara ng taxi.

"Manong sa Soledad Tower po"

Habang nasa daan ay nagdarasal ako na sana hindi ako nakilala ng lalake. Sana hindi niya hinalungkat ang bag ko para tingnan ang ID ko at sana hindi na kami muling magkita. Binuksan ko ang bag at hinanap ang phone ko. Pagtingin ko sa screen ay nakapatay ito. Low battery.

He's so Damn Possessive (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon