Chapter 67: The Chase

11.4K 456 42
                                    

Heaven's POV

Naririnig ko ang pag-impit ng tatlo. Tila nahihirapan sila sa pagpapalabas ng signus lalong-lalo na si Reen na kailangang tumbasan ang lakas ng signus ni Madam Gould at Maestra Fauna. Itinuon ko ang atensiyon ko sa palabas na pinapakita ng liwanag na nagmumula sa katawan nila.

Ester and Rathro are fighting to death. Ito ang tinutukoy ni Alvar kanina! Ang taong ipapakita ay ang  tanging tao na makatatalo kay Rathro at si Ester ito.

Kapansin-pansin rin ang mga nakahandusay na archanians sa palibot nila na parang labis silang nanghihina, na para bang unti-unti silang nawawalan ng lakas. They all look pale and lifeless.

Hindi ko maatim na tingnan ang ganitong senaryo kaya minabuti kong ipikit na lang ang aking mata. Nang wala na akong marinig ay binuksan ko itong muli. Wala na ang liwanag. Wala na ang mga imahe. Sabay-sabay na natumba ang tatlo kaya kaagad akong gumalaw upang saluhin si Reen. Among the three, si Reen lang ang nanatiling may malay. Marahan ko siyang inihiga sa sahig.

"Ate Heaven, hindi...ako...makahinga!" Naawa ako kay Reen nang sabihin niya ito. Ito ang nag-udyok sa akin upang mag-isip ng plano upang makatakas. Kung kanina ay nawalan ako ng pag-asa dahil sa presensiya ni Rathro, ngayon ay nabuhayan ako nang umalis siya. I think I can handle this old hag alone. Pero hindi pa ako sigurado kung kakayanin ko ba talaga siyang patumbahin dahil una sa lahat hindi ko alam ang signus niya. Di bale na. Hindi ko alam kung gagana itong planong nasa isip ko. Hindi ko alam kung makakaya kong gawin ang technique na ito lalo na at ito ang unang pagkakataon kong gamitin ito.

Tinignan ko si Alvar na pabalik-pabalik na naglalakad at tila nag-iisip. "Ang babaeng iyon! Kilala ko siya! Siya ang babaeng nasa kulungan kanina!" Itinuon ko sa kaniya ang paningin ko kasabay ng pagdaloy ng aking signus.

Please!!! Gumana ka. Please!!!!!!!

"Hahahaha! Hindi ko akalaing mapapadali ang trabaho naming patayin siya. Hahahaha!"

Paki-usap! Gumana ka!

Hanggang sa mag-iba ang kulay ng paningin ko. Nakikita ko na mismo pati ang hangin na nakapalibot sa amin. Pakiramdam ko ay kaisa ko na ang hangin. Muli kong tinitigan si Alvar. "Ikaw! Bakit ganyan ka makatitig sa akin?"

"Wala lang. Gusto ko lang makita ang huling expression mo bago ka mamatay. Air Suction!" Napasapo siya sa kaniyang leeg gamit ang dalawa niyang kamay at napaluhod.

"Wh-a-t  a-re you...?"

Tumayo ako at nilapat ang hintuturo ko sa kaniyang noo at bahagya siyang tinulak para matumba. "DIE!" Hinugot ko ang hangin na nakikita kong nasa loob ng katawan niya palabas. Ramdam ko ang pagtulo ng pulang likido sa aking ilong dulot ng labis na paggamit ng signus. Air Suction - a high grade air technique that can kill a person by removing the air inside a person's body. Hawak-hawak ni Alvar ang kaniyang leeg habang unti-unting nagiging lila ang kaniyang balat. "Burn in hell, old hag!"

Nang masiguro kong wala ng buhay ang dumadaloy sa katawan niya ay buong lakas ko siyang tinadyakan ang katawan niya at sinipa ng maraming beses. Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa panghihina na muntik ko nang ikinatumba. That technique costs a lot. Nang makabawi ay kaagad kong kinarga si Reen at binalak na umalis ngunit namataan kong nagkamalay na si Maestra Fauna kaya naguilty ako na iwan sila.

"Go, Heaven! Just leave us here. Tell everyone about what you saw. Let everyone know about the thruth! Balaan mo silang lahat tungkol sa delubyong dala ng pekeng hari," marahan niyang saad. Nagdadalawang-isip pa rin ako kung dapat ko ba talaga silang iwan.

Kinabahan na lang ako nang mapansin ko na parang nanunumbalik sa dati ang katawan ni Alvar.

"Shit! He is reviving! As long as Rathro is alive, Alvar will continue to live! Now go! Umalis ka na! I'll make sure that Alvar won't follow you. GO!" hudyat ni Maestra Fauna. Sa taranta ko ay napatakbo na lang rin ako palabas. Muli akong lumingon at nakita ko ang tuluyang pagkabuhay muli ni Alvar kaya isinara ko kaagad ang mistulang pinto.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now