/1/ Martes' Rage

68.8K 1.6K 321
                                    

Chapter 1:
MARTES' RAGE

Hiddenthirteen's POV

Hindi kalayuan sa isang maliit na bahay sa isang liblib na lugar, makikita ang mga nagliliwanag na apoy na nagsisilbing ilaw ng mga estudyante ng Signus Academy at kawal ng Archania Palace.

Maririnig ang kanilang mga sigaw sa kalayuan habang papunta ang kanilang direksiyon sa nag-iisang bahay sa gubat na iyon.

"They found out! They found us! Kailangan na nating umalis!" tarantang sabi ng isang ina. Bakas sa kaniyang mukha ang takot.

"No! Ako lang ang pakay nila. I will surrender myself to them, Martes," sagot ng kaniyang asawa. Iyon lamang ang naiisip niya na pinakamabisang paraan upang mailigtas ang kaniyang mga minamahal.

"Papatayin ka nila, Egar, at 'yon ang ayaw kong mangyari. Ayaw kong mabuhay ang mga anak natin nang walang ama tulad ko. Please, Egar! Umalis na tayo," pamimilit ni Martes.

Lumapit si Egar sa bintana at dumungaw. Nakita niyang papalapit na ang mga taong nagtatangka sa buhay nila kaya siya nagsalita. "Si Ester, isa rin siyang Silverharth kagaya ko. Kapag nahuli tayo ng mga kawal ay siguradong papatayin din siya and I don't want that to happen, Martes. Maabutan pa rin nila tayo kapag sabay-sabay tayong tumakas. Kaya magpapaiwan ako upang harapin sila. Trust me, I will be fine as long as our twins are alive. Just go with the kids. I'll buy you time."

"Hindi! Hindi ako papayag! Walang maiiwan! Kung lalabanan mo sila ay makikipaglaban na lang din ako. Let's just hide our kids somewhere safe and let's fight together. That way we have the chance to survive," matapang na sabi ni Martes. Nawala ang bahid ng takot sa loob niya. Tanging ang kaligtasan lang ng kanilang mga anak ang nagbigay sa kaniya ng nag-uumapaw na tapang.

"Hindi natin sila kakayanin, Martes. Masyado silang madami," nag-aalalang sabi ni Egar. Walang iba ang nasa isip niya kundi ang kaligtasan ng kaniyang mag-iina.

"But we don't have a choice!" hindi na napigilang mapaluha ni Martes ganun din ang batang lalaki na umiiyak na rin sa gilid niya. Nagising rin ang batang babae na karga-karga niya at walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

Iisang ideya lang ang naisip nila Martes upang mailigtas ang dalawa nilang anak. Itinago nila ang magkapatid sa silid na protektado ng salamangka.

"No matter what happens, wag kayong lalabas sa silid na ito, okay?" mariing sabi ni Egar. The kids nodded their heads as a response. Nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang dibdib at parang may hinuhugot.

Isang dagger ang lumabas mula sa kaniyang kanang dibdib at ibinaon ito muli sa puso ng kaniyang babaeng anak. Nahimatay ang babae niyang anak dahil dito. "Kram, protect your sister from now on," at hinalikan ni Egar ang noo ng kaniyang dalawang anak. "I love you both."

Makalipas ang ilang segundo ay nagsidatingan ang mga taong naka-uniporme may gold at silver linings at ang mga kasama nitong mahigit limampung kawal. May dala silang mga sandata na kumikislap kapag tinatamaan ng pilak na liwanag ng buwan. Napakalakas ng kanilang mga presensya ngunit mas umaangat ang presensiya ng mga taong naka-uniporme.

Lumabas ang mag-asawa sa kanilang bahay at nagtangkang makipag-usap. Ngunit, kaagad na nagpakawala ang isa sa mga kawal ng malaking hibla ng kidlat at pinuntirya ito kay Egar. Napakalakas ng pinakawalan nitong atake at nakakatakot. Tiyak na hindi makakaligtas ang sinumang tamaan nito.

Agad namang dinipensahan ni Egar ang kaniyang sarili at ang kaniyang asawa sa likod niya. A huge portal appeared and he summoned a gigantic wooden sword as big as a tree and shielded them from the lightning. The giant wooden sword successfully repelled the lightning.

"Leave my family alone, I surrender!" diretsong saad ni Egar ngunit walang salitang binitawan ang mga kalaban. Nakakatitig lang sila sa magpamilya na tila handa silang patayin anumang oras.

Martes sensed the situation they were in. Pinadaloy niya ang kaniyang signus sa buo niyang katawan. Nasa tabi ni Egar si Martes na handa na sa posibleng labanan na magaganap.

"You can kill me! But please leave my family alone!" tumulo ang luha ni Egar. Those were the tears of fear. He was in fear that something bad might happen to his family if he did not surrender himself. Iniabot niya ang kamay ni Martes at hinawakan ito nang mahigpit. Mula dito, nakakahugot siya ng katapangan at pag-asang mailigtas niya ang kaniyang pamilya mula sa kapahamakan.

Si Egar ay isang S-rank Weapon Summoner na nagtago sa buong mundo mula nang siya ay ipinanganak. Nagtatago siya dahil sa taglay niyang kapangyarihan. An archanian like him were being hunted and killed so all he could do was to hide. Napakabait niya at may taglay siyang busilak na puso. Hindi niya kayang pumatay ng tao at kahit na manakit ng iba ay hindi niya kayang gawin. Naiinis siya sa kaniyang sarili dahil napakahina niya. Napakahina ng kaniyang kalooban. Kaya mas pinipili niyang sumuko kaysa lumaban at may dumanak na dugo.

Apat na S-rank soldiers  ang pumunta sa unahan. Lumayo sila nang bahagya sa kanilang mga kasamahan at kaagad na gumawa ng parisukat. Pinadaloy nila ang kanilang signus sa lupa. Lumikha ito ng  umiilaw na mga linya. Nagdugtong-dugtong ang mga ito hanggang sa makabuo ng pentagram sa gitna nilang apat. Mula sa pentagram ay lumabas ang isang magic ball gawa sa pinaghalo-halong signus ng apat na S-ranks. Lumaki ito hanggang sa maging kasing laki ng sampung bola at tinungo nito ang direksiyon ni Egar at ng kaniyang asawa.

Tinulak ni Egar ang kaniyang asawa  at hindi nagdalawang-isip na saluhin lahat ng atake. He spread his arms, closed his eyes, waiting for the attack to kill him.

'This way, I can save them,'  he thought. Hinintay niyang tumama ang atake sa kaniya ngunit lumipas ang ilang segundo ay wala siyang sakit na nadama. Nakarinig siya ng pagsabog kaya kaagad niyang binuksan ang kaniyang mga mata. Imbes na sa kaniya tumama ang mga atake ay sa bahay ito kung saan nagtatago ang magkapatid. Sumabog ang bahay, nalugmok at naglabas ng usok na parang nasunog.

"No! Your family must be killed!" tipid na saad ng pinuno ng mga kawal. Humalakhak ito matapos makitang halos gutay-gutay na ang kaninang bahay na nakatayo.

Egar froze of what he has witnessed.

"Nooo!" tumakbo si Martes papunta sa kaninang bahay na ngayo'y puno na ng usok. Nakita niyang nakahandusay ang dalawang magkapatid na duguan at walang buhay.

Kaagad na napuno ng galit ang kaniyang kalooban. Her signus ran through her veins like a raging volcano. Tumigil ang oras sa kaniyang paningin at ang tanging nakikita niya lang ay ang apat na S-ranks na pumatay sa kaniyang mga anak. Her eyes were only focused to those who killed their kids. Her heartbeat became stronger, louder and faster. Her veins grew larger. Her iris became red, and it glowed brightly. She felt her strength, speed, and senses increased tenfold.

"Yaaah!" sumugod siya sa apat na S-rank soldiers. Sa isang kisap mata, nasa harap na kaagad siya ng isa sa mga ito. She grabbed and lifted the soldier like a very light feather. Walang kahirap-hirap niyang hinati ang katawan nito sa dalawa.

Tumalsik ang sumisirit na dugo sa mukha ni Martes. Nagkalat ang mga lamang loob at sariwang dugo sa lupa. Walang awang tinapon ni Martes ang nahating katawan sa lupa.

She glanced at her enemies who were shocked by what she did.

Then she creepily said, "You all just awaken the DEMON inside me."

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now