Chapter 71: The Coronation Day

10.3K 469 56
                                    

Rathro's POV

Sa wakas. Araw na para makamit ko ang bagay na matagal ko nang pinangarap, ang maging hari ng Archania.

Kasalukuyan akong binibihisan ng mga maid. Maingat nilang sinuklob sa akin ang puting royal mantle na parang kapa ngunit sumasayad hanggang sa sahig. Sa may bandang dibdib at balikat nito ay may mga linya ng ginto.

Tumunog ang kampana ng palasyo na siguradong maririnig ng buong mamamayan ng Archania, tinatawag ang kanilang presensiya na dumalo para sa engrandeng araw na ito. Pinikit ko ang aking mata upang damhin ang tunog nito. Weird pero para sa pandinig ko ay para itong musika, musika tanda na nasa kamay ko na ang aking pangarap.

Hindi ko namalayang tapos na pala akong bihisan at nasa likuran ko naghihintay ang tatlong maid. "Pwede na kayong umalis," pahintulot ko. Pag-alis nila ay saka ako humarap sa salamin. Tinitigan ko ang aking repleksiyon mula paa hanggang ulo. The royal mantle above the white suit and pants was really made for me. It perfectly fits. Wearing this royal attire makes me feel like I'm a real king. No, I am a real king. I will be, sooner.

Lumabas ako ng kwarto at napagdesisyunang pumunta sa underground hall ng kastilyo. Dumaan ako sa isang medyo madilim na hallway. Tanging mga kandila lamang sa magkabilang gilid na parte ng sahig ang nagbibigay ng kaunting liwanag. Narating ko ang dulo ng hallway. May isang lumang pinto na siyang kaagad kong binuksan. Mula sa pinto ay nakita ko ang mga taong gusto kong makasaksi sa koronasyon ko. Sila ang mga taong hindi naniwala sa akin na kaya kong marating ang posisyong ito. Sila ang rason sa lahat ng ito, kung bakit ko ginawa ang lahat ng ito.

Naglakad ako palapit sa kanila. I am on a stage kaya kailangang bahagya kong ibaba ang aking paningin upang makita ko ang pamilyar nilang mga mukha. Si mama, si papa, si Zexus at ang mga dating opisyal ng Archania. Sila ang una kong napansin dahil sila ang nasa harapan ng mahigit isaang-daang katao na narito.

"Open your eyes now," utos ko saka namang sabay-sabay na pagbukas ng kanilang mga mata.

Hindi sila gagalaw kapag wala akoong inutos, because they are all dead. They died hundreds of years ago. Binuhay ko sila upang masaksihan nila kung sino na ako ngayon. Gusto kong makita nila na ang taong tinawanan at inapi nila noon dahil sa kawalan nito ng kapangyarihan ay siya na'ng pinakamakapangyarihan ngayon.

"Tingnan niyo ang suot ko," dumagundong ang boses ko sa buong underground hall. "Suot ko ang kasuotang inaasam ng lahat. Ma, Pa, 'di ba sabi niyo hindi babagay sa akin ang damit na'to? Kasi hindi ako pinanganak para maging isang hari?Tingnan n'yo, oh, bagay na bagay sa'kin."

Umaasa akong sasagutin nila ako. Hindi ko namalayang may tumulo na palang butil ng tubig sa mga mata ko. Sandali, 'di ba dapat masaya ako kasi makukuha ko na ang gusto ko? Kasi napatunayan ko nang mali sila at tama ako? Ba't parang may kulang pa rin? Bakit parang hindi pa rin sapat?

Muli kong pinukaw ang paningin ko sa kanila. Ngayon ko lang napagtanto, na kahit anong gawin kong pagpapatunay ay wala pa rin itong halaga. They are not the ones who underestimated me. Maybe partly yes, but they are now just my summons.

Nababaliw na ako hahahaha! Kinakausap ko ang mga summons ko na alam kong hindi sasagot. "Nababaliw na nga talaga ako. Argggggghhhhhh!" Nagpalabas ako ng malaking dark energy blade na lumamon sa kanilang lahat. Sumabog ang mga katawan nilang kaagad naging abo.

Nilisan ko ang underground hall nang mabigat ang kalooban. Bumalik na ako sa ikalimang palapag ng kastilyo upang panooring magsidatingan ang mga bisita.

Bigla na lamang naghiyawan ang mga tao kaya napasilip ako sa bintana. Kaya pala, the royalties are coming.

"Desidido nga talaga silang patayin ka," that was Alvar's voice which I heard out of nowhere. Hinanap ng paningin ko kung nasa'n siya at natagpuan ko sa kabilang bintana, limang metro mula sa akin.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon