/14/ Impossible!

22.4K 997 63
                                    

Chapter 14:
IMPOSSIBLE!


Ester's POV

Two creatures appeared on the ground. They are Mr. Magnus. Ramdam ko ang taglay na lakas ng dalawang puppetzs lalo na ng lalaking may dalang scythe. Nakasuot ito ng red robe. May takip ang kaniyang kanang mata at kahawig na kahawig nito si kamatayan.

"You have to kill them or survive for 10 minutes. If you do that then you will pass my first test," seryosong sabi ni Mr. Magnus.

How am I supposed to defeat his puppets? Those puppets were of S-ranks and Mr. Magnus is an SS-rank. With their forces, kaya ko ba silang tapatan? Lalo na at kailangan ko lang gamitin ang magnus ko para itago ang signus ko. My magnus is just a D-rank at napakalaki ng agwat ng lakas ni Mr. Magnus sa'kin. Bahala na.

This time, pinadaloy ko ang magnus ko sa aking mga palad at dalawang daggers and lumabas. Nang maramdaman ni Mr. Magnus ang kapangyarihan ko ay agad niyang pinasugod ang Fighter. The Healer remained by Mr. Magnus' side samantalang seryoso namang kinokontrol ni Mr. Magnus ang dalawang puppets.

Tumalon nang mataas ang Fighter. He swung his sword to attack me. I changed my dagger into a shield and blocked the attack. Napaatras ako sa lakas ng impact. His attack created a bladelight na naging dahilan ng unti-unting pagcrack ang shield na hawak ko.

It is as I expected. My D-rank weapons are nothing compared to his S-rank puppets. I still have to rely on my physical strength para tapatan ang lakas ng puppets niya. Tinapon ko ang sirang panangga na hawak ko at naglabas ng double-sword mula sa aking mga kamay.

Umangat sa ere ang katawan ng Fighter at umikot ang katawan nito kasabay ng pagikot ng scythe na hawak niya. Sa bawat pagwasiwas ng kaniyang scythe ay ang paglikha nito ng bladelights na halos sumira sa dingding ng Viper Guild.

Tumakbo ako pasugod at lumuhod nang nakaliyad para iwasan ang mga bladelights. Nagslide ako sa sahig habang nakaluhod hanggang sa makalapit ako sa fighter. I cut its left leg at napakaraming bulak ang lumabas mula dito.

Isang bola ng liwanag ang tumama sa Fighter at bumalik sa dati ang nasirang parte ng puppet.

One minute passed. I only need to stay alive for nine minutes. Ngunit, hindi ko tiyak kung makaka-survive ako sa siyam na minutong natitira. Kailangan kong maunahang masira ang dalawang puppets bago pa nila ako masaktan.

Nagpalabas ako ng crossbow sa aking mga kamay, at sunod-sunod kong pinatamaan ng mga bala ang fighter. Habang nasa ere ang mga bala ay pinalitan ko kaagad ang crossbow ng giant axe. Tumalon ako, and I swung my axe using my strength and a perfect momentum. The Fighter deflected the arrows but it was late when he noticed that my axe was going to hit him.

Still, he managed to block my attack using the handle of his scythe. Sa lakas ng ibinigay kong puwersa sa atakeng iyon ay natanggal ang dalawang braso ng fighter. But again, the healer threw a ball of light at naging maayos na ulit ang katawan ng puppet.

From the short time na nakalaban ko ang Fighter ay nalaman ko kaagad ang weakness nito. It can produce and create massive attacks but it is very vulnerable. That's why the healer is there: to fix it and support it.

Mauubos lang ang enerhiya ko kapag patuloy kong sisirain ang Fighter at patuloy lang din siyang aayusin ng Healer. I have to destroy the Healer first, but the Fighter is obviously protecting the Healer and Mr. Magnus.

Hanggang sa may naisip akong ideya upang matalo sila. Hindi ko lang sigurado kung uubra pero mas mabuti nang subukan.

"Twin sword," I mouthed. Nawala ang axe na hawak ko at napalitan ito ng dalawang mahabang espada. Now, let me try what I have been practicing this past few days. "Yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Pagsugod ko.

Sa isang iglap ay nasa harap na ako ng Fighter. I positioned my swords to form an "X" at kiniskis ko ito sa bawat isa. Isang tunog na masakit sa tenga ang nalikha nito at nagkaroon ng sparks na lumikha ng apoy. A puppet is made of cloth and cotton and these can be burned by a fire. Ito ang naisip ko.

Tumama sa katawan ng Fighter ang apoy na nilikha ng dalawa kong espada. Binalak niya pa itong sanggain ngunit kahit na ang kaniyang sandata ay gawa din sa light materials at mabilis na natupok ng apoy. Mula sa kaniyang sandata ay kumalat ang apoy hanggang sa balutin nito ang buo niyang katawan. The Healer attempted to throw another ball of healing light ngunit bago niya pa ito magawa, my hands produce a bow with three arrows ready to be launched. I stretched the bow, at sabay-sabay kong pinakawalan ang tatlong arrows.

"Booooogsh!!" Tumama sa noo at sa dalawang kamay ng Healer ang tatlong arrows at sa lakas ng pwersang nilagay ko sa atakeng iyon ay tinangay nito ang Healer hanggang sa dumikit ang katawan nito sa pader.

Five minutes passed, and I managed to destroy his puppets. Alam ko na nagpipigil pa rin si Mr. Magnus na magpakawala ng malalakas na atake dahil sa rank ko. But it does not matter anymore. I destroyed his puppets. It is more than what he expected me to do to pass his first test.

"Now, did I pass?" tanong ko habang pinapahiran ang pawis na dumadaloy sa noo ko. But instead of giving an answer ay isang evil grin lang ang ibinigay ni Mr. Magnus. That grin was creepy, and I felt something was wrong. Until I felt a presence na mabilis na papunta sa direksiyon ko. Iiwas pa sana ako ngunit sobrang bilis ng kilos na naramdaman ko. Naramdaman ko nalang pagdaloy ng sariwang dugo mula sa pisngi ko.

'Sh*t!' A sneak attack! Ngayon ko lang na-realize ang totoong plano niya. He was planning to take me down with one-hit using his Assasin puppet. My senses was too weak to know the presence of the Assasin.

Natanggal sa pagkaka-bun ang buhok ko. Natanggal rin ang mask na suot ko. My face is not hidden anymore. Bahagyang nakalingon sa gilid ang mukha ko kaya hindi ko makita ang reaction ni Mr. Magnus.

Pinahiran ko ng aking kamay ang sariwang dugo sa aking pisngi kasabay ng paglingon ko sa direksiyon ni Mr. Magnus. But what I saw made me confused. Kahit na medyo malayo siya sa akin ay nakikita ko pa rin kung paano tumulo ang isang butil ng luha mula sa kaniyang mga mata. Reaksiyon ng pagkagulat ang nakita ko sa kaniyang mga mukha.

"You passed the first test," mahina niyang sabi.

This made me even more confused. I thought I was losing. But I passed. How?

At ang gulat na reaksiyon ni Mr. Magnus nang makita ang mukha ko. What was that all about?


- End of Chapter 14 -
*************

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now