/45/ Love Over Demon

17.8K 732 44
                                    

Chapter 45:

LOVE OVER DEMON

*************

Ester's POV

Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi ng propesiya na isang summoner ang sisira sa Archania? Tama ba sila na si Rathro ang tinutukoy ng propesiya o ako ang tinutukoy nito? Dahil sa demonyong naninirahan sa loob ko at ako na lang ang natitirang summoner sa balat ng Archania.

Ni-igalaw ang mga daliri ko ay hindi ko magawa. Kahit anong pilit kong utusan ang katawan ko ay hindi ko magawa. I am trapped inside my own body.

Kinakabahan ako lalo na at kilala ko ang demonyong ito. She is Trese, my demon link. Nabuo siya mula sa mga emosyon ng poot, galit at paghihiganti. Everytime I feel these three emotions, lumalakas ang kapangyarihan niya at ito ang pinakainiiwasan naming mangyari ng mga links ko. As demonic as she is, she is a murderer na pilit ikinukulong ng iba ko pang links sa kulungang nakalaan para sa kaniya sa loob ng katawan ko.

Masyado siyang lumakas dahil sa galit at poot na biglang bumalot sa akin. Kahit na ang mga links ko ay hindi nakayanan ang kapangyarihan niyang pinalalakas ng masasamang emosyon ko.

"Ibalik mo sa akin ang katawan ko!"

"Oh Ester, how does it feel to be locked in that room of darkness? I am very thankful that you let me out. I'm gonna smell the lovely scent of  blood again."

"You monster!"

"Ouch! How dare you call me a monster, Ester? Did you forget that you and I are one?"

"I am not a monster like you! Hindi ko ginustong palabasin ka!"

"Hindi ba't pinalabas mo ako dahil gusto mong maghiganti sa kanila?"

"Hindi 'yan totoo! Kung gusto ko man maghiganti, kay Rathro ko gagawin yun na siyang may pasimuno ng lahat!"

"Libo-libong taon na ang lumipas, Ester. Wala na ang taong gusto mong paghigantihan! Kanino ka na maghihiganti ngayon? Kanino mo ilalabas ang galit at hinanakit ng puso mo?"

"That's why I changed my mind! Hindi ko na iniisip ang maghiganti. Masaya na ako sa buhay ko ngayon kasama ang mga kaibigan ko. Nagmamakaawa ako, huwag na huwag mo silang sasaktan."

"Ano? Masaya ka na sa mga kaibigan mo ngayon? Nakakalimutan mo na ba na mula sa puno ng lahat ng nangyari sa mga magulang natin hanggang sa gabing pinatay sila, kasabwat ang mga ninuno ng mga kaibigan mo? Naaalala mo pa ba kung paano iniwasan ni Mama ang bawat baging, tipak ng bato, apoy, hangin at iba pang klase ng kapangyarihan upang ipaghiganti ang akala niyang pagkamatay natin? Kung hindi mo na naaalala ang mga iyon, huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang ginawa ni Mama para sa atin. Ipaghihiganti ko siya!"

"Pero hindi nararapat na patayin mo ang mga kaibigan ko dahil sa kasalanang nagawa ng mga magulang nila!"

"That is why they are my target. If I killed them, don't you think their parents would not suffer?"

"Please! Huwag na huwag mo silang sa
saktan. Nagmamakaawa ako!"

"Hipokrita ka, Ester. Alam kong pinalabas mo ako upang gawin ang isang bagay na hindi mo kayang gawin ngunit ninanais mong mangyari! Don't worry, Ester. I will do the things that you can't do. I will kill your friends for your sake."

"Ester! Anong ginagawa mo diyan?" Isang sigaw ang umagaw parehas sa atensiyon namin. Mula ito kay Lucas na nakatayo sa baba. Kahit na madilim ay nakikita ko siya mula sa kinatatayuan ko dahil sa liwanag na dulot ng buwan.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon