/51/ I Know

15.3K 730 53
                                    

Chapter 51:

I KNOW

Mr. Magnus's POV

Splash!

Naalarma ako nang biglang bumuhos ang malamig na tubig. Nagising ako nang wala sa oras. Napatayo ako ngunit kaagad namang natumba dahil may mabibigat na mga kadenang nakakabit sa mga kamay at paa ko. Basang-basa ang buong katawan ko. Nanginginig na rin ako dahil pwera sa malamig ang tubig na ibinuhos sa akin ay napakalamig din ng lugar kung nasaan ako.

What's happening? Where am I?

Dito dumaloy sa isip ko ang mga huling alaalang mayroon ako.

Nahihirapan ako. Inaamin kong nahihirapan akong patumbahin si Masked Mistress lalo pa't nahahati ang focus ko sa pagkontrol ng puppets na kalaban niya at ang lion puppet kong sinasakyan nina Ester. Kapag mas malayo ang puppets ko, mas mahirap itong kontrolin kaya  mas malaking enerhiya at maiging konsetrasyon ang kailangan upang mapanatili ko silang kontrolado.

Sinubukan pang sundan ni Masked Mistress ang tumatakas na sila Ester ngunit hinarangan ko siya gamit ng fighter puppet ko.

"How dare you let my prey escape?" nanggagalaiti niyang tambad.

"As their professor, it's my duty to ensure their safety."

"Tseh! Professor your ass! Dahil sa ginawa mo, malilintikan ako sa hari!"

"Bakit? Anong kailangan mo sa kanila?"

"It's none of the professor of Signus Academy's business. Pwera na lang kung sasanib ka sa amin... Hmmm! What a good idea! Dahil ikaw naman ang dahilan ng pagtakas nila, ikaw na lang din ang dadalhin ko sa hari."

"Ano ang pakay niya? Sabihin mo! O hindi ako magdadalawang-isip na itarak ko sa dibdib mo ang espada ko!" tinutukoy ko ang espadang nakasukbit sa beywang ko.

"As what I have said, it's none of your business. As if kaya mong itarak 'yan sa akin. Baka nga ako pa ang makapatay sa'yo. Tama na ang satsat. Yaaaaaaah!" Sumugod siya papunta sa akin.

Kaagad kong pinansangga ang fighter puppet ko at doon tumama ang atake niya. Nagkalasog-lasog ang puppet at nagsilabasan ang maraming bulak mula rito. But it only took seconds until its body reassembled as good as new.

Wala akong dapat ikabahala pagdating sa bagay na ito. I have a healer puppet and she can revive any of my puppets kapag nasisira ang mga ito.

The fighter puppet then fought Masked Mistress using his scythe. My puppet is as strong as Masked Mistress but it is slower. Lagi nalang siyang nasusugatan na kaagad namang gumagaling. But in strength, the fighter is undeniably on par with her.

Each of my puppet excels in different fields. But their is one similarity, madali lang silang masira. That's why my healer puppet is always beside me when fighting, para mabantayan ko siya nang maigi. When my healer puppet is ruined, my other puppets will be very vulnerable. Matagal ang self recovery ng healer puppet ko. So by then, I would have to fight using my own body and my own knowledge in short combat fighting.

"Your signus is pretty amazing, professor. Signus Academy is really filled with amazing talents. But your signus is not as amazing as mine. Do you happen to know what it is? Do you want to see it?" ngumiti siya nang nakakatakot.

She slashed her sword  and a transparent light was released. Pinutol nito ang taling nakakabit sa akin at sa puppet ko na siyang nagpalaho sa lahat ng puppets na nasa harapan ko. Kaagad kong tiningnan ang taling nakakabit sa lion puppet ko. I sighed in a relief when the string to my lion puppet is not affected by what Masked Mistress did. Pinakapal ko ito upang hindi ito maapektuhan ng kung ano mang ginawa ni Masked Mistress sa iba. I focused half of my energy and signus to maintain its sturdiness.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن