/22/ Links United

22.3K 954 74
                                    

Chapter 22:
Links United
*************

Ester's POV

My seven Links came-out from my body. All of them are gorgeous except from Siete who is cute.

"Your links are here to protect you, Master. Just say the word, and we will do the action," Uno who is always loyal to me said.

They tried to kill me. They thought of killing me. They don't deserve to live anymore. So, they must be killed.

I'm not a kind woman, nor I have a good heart. That is a fact. The word called revenge is always within me.

"Kill those Drakos!"

Ramdam ko ang pagdaloy ng kapangyarihan ng mga links ko. Nakikita ko na rin ang mga lubid na nakatali at nakakonekta sa aking mga links; iba't iba ang kulay dahil sa iba't ibang uri  ng kapangyarihang mayroon sila.

Siete touched the ground with her small palm. Mula sa kaniyang palad ay nagkaroon ng maliit na pink magic circle na unti-unting lumalawak hanggang sa umabot ito sa kinatatayuan ng isang Drakos. Natumba ang Drakos na ito at sumalampa sa lupa na para bang may pasan siyang mabigat na bagay.

Nang makita ito ng kaniyang mga kasama ay kaniya-kaniya itong umiwas na matamaan ng magic circle na gawa ni Siete.

One down, eight to go.

Dos shapeshifted into a Black-Winged Archangel. She flew like a rocket na halos hindi na makita sa sobrang bilis. Sa isang iglap ay parang mga laruang dinampot ni Dos ang dalawang Drakos na nagulat sa bilis ng pangyayari. Hinagis ni Dos ang dalawang Drakos sa magic circle na gawa ni Siete. Ngayon tatlo na silang nasa loob nito na pilit nilalabanan ang paghatak sa kanila ng malakas na pwersa pababa.

Lumipad muli si Dos para kunin ang iba pang Drakos. Napakabilis ni Dos na pawang anino niya na lamang ang makikita.

Sinubukang paulanan ng dark energy ball ng mga kalaban si Dos ngunit ni isa ay hindi siya natamaan.

Humaba ang buhok ng isang Drakos na nagmistulang mga ahas at pilit na inaatake ang lumilipad na si Dos. Napakaraming hibla ng mahahabang buhok ang humahabol kay Dos ngunit bigo pa rin ito.

Samantala, ginamit ang pagkakataong ito ng iba pang mga Drakos upang tumakas. Iniwan nila ang babaeng may Prehensile Hair signus.

"They think they can't defeat you so they want to escape," sabi ni Singko.

"As if I'd let them," I smugged. "Uno," pagtawag ko kay Uno. Isang tingin lang ang binigay ko sa kaniya ngunit naintindihan niya kaagad ang nais kong iparating.

Umupo siya sa kaniyang kinatatayuan at gumalaw-galaw ang kaniyang mga kamay na parang may hinuhulma.

Sa bawat paggalaw ng kaniyang daliri ay ang pagkakaroon ng mga gumagalaw na imahe sa paligid. Nakikita ko ang mga illusion na ipinapakita ni Uno sa mga Drakos. Inilagay sila sa isang lugar na pinalilibutan ng mga naglalaway at nakakatakot na lobo.

Nagpakawala naman ang mga Drakos ng mga dark energy balls at ginamit rin nila ang kani-kanilang mga signus upang patayin ang mga lobo. Subalit tila hindi nauubos ang mga ito at patuloy lang sila sa pagdami.

Habang nakikipaglaban, lumingon ang Drakos na may prehensile hair signus sa kaniyang mga kasamahan. Nagulat siya nang masaksihang parang mga baliw na nagpapakawala ng mga atake ang kaniyang mga kasamahan sa hangin. Ang mga punong matamaan ng mga atakeng ito ay natutumba o nagkakasira-sira kaya halos kalahati na ng kagubatan ang nasira. Ang dating gubat na pinalilibutan ng mga puno ay naging isang lugar na parang dinaanan ng malakas na bagyo.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon