/10/ 5th Link: Singko

25.2K 1.1K 242
                                    


*flashback *

The day when Ester's family is going to be killed.

'Are we going to leave our house again? How many houses have we been to? 10, 12, 15? I don't know anymore? I couldn't count it anymore,' iyan ang nasa isip ng isang batang babae na nag-ngangalang Ester.

Hindi niya matanggap na lilipat ulit sila ng tirahan. Dali-dali silang binihisan ng kaniyang ina. Bakas sa mukha nito ang takot at kaba. Hindi alam ng batang babae ang rason kung bakit at labis siyang nag-alala. Lumabas sila mula sa maliit na bahay at doon niya narinig ang mga sigawan na nagmumula sa parte ng gubat na nagliwanag dahil sa mga kawal na may dalang apoy. Nagkaroon siya ng hinuha na natatakot ang kaniyang ina at ama dahil sa mga paparating na kawal. Ngunit hindi niya alam kung tama ang kaniyang hula. Labis na pagkalito ang bumalot sa kaniyang isipan. Labis ang kagustuhan niyang malaman ang rason kung bakit may bakas ng kaba at takot sa mukha ng kaniyang mga magulang.

Hanggang sa itinago sila ng kanilang ama sa isang sikretong silid sa kanilang bahay.

"No matter what happens, huwag kayong lalabas sa silid na ito," mariing bilin ng nag-aalala nilang ama.

'Bakit po itay?' 'yan ang gustong itanong ng batang si Ester sa kanilang ama ngunit hindi niya ito magawang sabihin. Bigla-bigla na lamang may kinuha ang kanilang ama na dagger mula sa kaniyang dibdib at itinarak ito sa dibdib ni Ester.

Nahimatay si Ester sa mga sandaling iyon ngunit may bigla na lamang sumabog na kakaibang enerhiya mula sa kaniyang katawan. Para bang may isang bomba ng enerhiya ang natutulog sa kaniyang katawan ang bigla na lamang sumabog. Dahil sa enerhiyang ito ay nagising ang diwa ni Ester kahit na siya ay kasalukuyang walang malay. Para bang alam niya ang lahat ng nangyayari sa kaniyang paligid kahit nakapikit ang kaniyang mga mata. Lahat ng kaniyang senses ay gumagana at mas tumalas ang mga ito.

"Kram protect your sister from now on. I love you both," 'yan ang huling narinig ni Ester mula sa kaniyang ama.

Nadama niya ang pagdampi ng labi ng kanilang ama sa kaniyang noo. Bagamat kulay itim lang ang kaniyang nakikita dahil nakapikit ang kaniyang mga mata, naririnig niya ang lahat ng mga nangyayari sa kaniyang paligid pati na rin ang mga boses ng mga tao sa palibot niya. Mga boses na naririning ng mga karaniwang tao at boses na siya lang mismo ang nakakarinig.

It was because of the awakening of her fifth link, Singko, the girl with heightened senses and also a mind reader.

*end of flashback*

***

Lucas' POV

I suddenly felt my head ache a little bit. Someone just tried to invade my mind. Someone wanted to get in. The invader succeeded, but how?

My thoughts are always protected for I already mastered how to block Psychics especially the mind readers from invading my mind.

I looked at Macy's direction and she looked back at me. Macy is the only mind reader in Ace Section but she is just B-rank. How could she read my mind? Maybe she has gone through a breakthrough last night and became an A-rank mind reader that's why she could now invade my mind. I just have to make my mind blocker stronger.

When I was about to take a nap again, my sight was caught by a girl. She has a dark brown hair just like mine.

'She's gorgoeus,' sa isip ko.

Umiling-iling ako para mawala sa isip ko ang mga kakaibang naiisip ko.

But why does she look so familiar?

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz