Chapter 59: Papa

13.3K 575 97
                                    

Sapat na ang presensiya ni Egar upang takutin silang lahat. "Diefied! He is a diefied summoner!" halos lumuwa ang mga matang bulalas ni Headmistress Alicia. Tama ang hinala niya. Narating na ng lalaki ang diefied rank na tanging mga summoners lamang ang nakakaabot.

Sa isang banda ay naroon si Finnix takap-yakap ang katawanni Ester na walang malay. "Ester! Ester mahal ko! Ester gumising ka" hindi mapigilang mapaluha ni Finnix. "Huy! Huwag mo naman akong takutin ng ganito." ngunit kahit anong gawin niyang pakiusap ay hindi pa rin nagigising si Ester. Kaniyang pinakinggan ang dibdib ni Ester at naririnig niya ang pagtibok nito. Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin siya kampante. Makakampante lamang siya kapang nakita niyang nakabukas ang mga mata ni Ester. Dahan-dahan niyang ihiniga si Ester sa malambot na lupa. Hindi niya mapigilanang pag-init ng kaniyang katawan. Ito ay simbulo ng kusang paglabas ng kaniyang signus dala ng galit.


"Ikaw! Wala akong pakialam kung hari ka ng mga drakos o kung sino ka man. Sapat ng dahilan ang saktan ang taong mahal ko upang patayin kitaaaaaa!" nagngingitngit ang mga ngipin ni Finnix nang sabihin niya ito. Nag-apoy ang kaniyang kamao at sumugod papunta kay Egar. He charged forward with his blazing fist. Sinalubong naman ni Egar ang lalaki. Hinawakan ng kaliwa niyang kamay ang umaabiy na kanang kamay ni Finnix at nakahawak naman ang kaniyang kanan sa leeg nito. Sa bilis ng pangyayari ay hindi napansin ni Finnix na nakalapit na sa kaniya si Egar kaya nagawa siyang mahuli nito sa leeg.


"Bakit? Anong nangyari? Patay na ba ang mahal mo? Kung oo, eh 'di mabuti. Isa pa lang siya sa libo-libong papatayin ko ngayon at ikaw na ang susunod. Yaaaaah!" Tumalon si Egar at ibinagsak niya si Finnix sa lupa habang hawak pa rin ang leeg nito. A crater was created where Finnix's body was slammed.


"Finnix!" sigaw ni Lucas. He commanded the vines to get Egar's attention habang kinukuha ng ibang baging si Finnix. Dinala ng mga baging si Finnix pabalik sa kanila at kaagad siyang ginamot ng mga healers.

Egar waved his hand and a black mist was emitted. Nalanta ang mga baging dahil dito. "Alam kong sinasadya ninyong patagalin ang laban upang maabutan ninyo ang tulong mula sa iba't ibang kaharian. Huwag kayong mag-alala... bibilisan ko ang pagkitil sa buhay ninyo." sarkastiko niyang saad. "Rise again my undead army!" Nabuhay muli sa pangalawang pagkakataon ang kaniyang mga alagad. Kinabahan ang lahat  nang muling bumangon ang patay na drakos.

"Naririnig ko ang bawat tibok ng puso niyo. Malakas. Mabilis. Huwag kayong kabahan! Huwag kayong kabahan dahil lamang sa mga alagad ko. MATAKOT KAYO! Matakot kayo dahil ako ang makakaharap ninyo!" gumawa ng dark energy ball si Egar at itinapon ito sa grupo ng mga Archanians.



"Earth Wall! /Double Shield Barrier!" sabay na sigaw ni Lucas, Crystal at Alicia. An earth wall emerged from the ground at binalutan pa ito ng dalawang purple shield barrier. Binalot ang lahat ng dalawang matibay na panangga ngunit nabasag lang ito nang tamaan ng dark energy ball ni Egar. Sa lakas ng pwersa nito ay tumilapon silang lahat. Hindi sapat ang dalawamg matibay na panangga upang salagin ang atakeng iyon. Kaya tinawag na diefied ang huling ranko dahil dito, dahil sa lakas na taglay nilang walang maikukumpara. Nagkawatak-watak mula sa isa't isa ang mga Archanians. Kaagad na bumangon si Headmistress Alicia at ang mga propesor. Nagtipon-tipon silang muli at nagpakawala ng mga atake.


"Armor of Metal God!" Nabalot ng pulang metal na baluti si Egar at hinayaan niyang tumama roon ang mga atake. Hindi man lang siya napaatras sa mga atakeng iyon.
Tumigil sila sa pag-atake nang makita nilang parang walang epekto ang kanilang ginagawa kay Egar.


"My turn! Hiyaah!" sumabog ang nagkapira-piraso ang baluting suot niya at naging libo-libong sandata ito. Lumulutang ito sa ere na parang hinihintay ang utos ni Egar. "Thousand Swords!" Bumulusok ang mga ito papunta sa kanila.



Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now