/32/ Bad Night

19.6K 861 153
                                    

Chapter 32:
BAD NIGHT
*************

The same time at the Kingdom of Drakos

***

Hiddenthirteen's POV

Tatlong kawal ng kadiliman ang lumuhod sa harap ng trono kung saan nakaupo ang kanilang hari. "My Lord!" sabay-sabay nilang bati.

"Hmmm?" tila mahinhing tugon ng lalaki pero hatid nito ang awtoridad at kapangyarihan.

"Ang grupong pinadala mo sa misyon who came back from Land Of Blossom..," nanginginig na pagsisimula ng isang kawal.

"What's with them this time?" mahinahong tanong ng hari ng kadiliman.

"Something strange is happening to them," tugon ng isa pang kawal.

"Something strange? Bring me to them."

"Our pleasure, my Lord!" Dinala ng mga kawal ng kadiliman ang hari ng mga drakos.

Nadatnan nila ang isang matanda na nakatayo sa harap ng isang kulungan.
Sa loob ng kulungan ay ang siyam na drakos na ipinadala sa isang misyon sa Land of Blossom, ngunit bumalik silang parang wala sa kanilang sarili. Tila may kung anong nasa katawan nila na nagpapahirap sa kanila. Lahat sila ay sumisigaw, namimilipit sila sa sakit at nagpagulong-gulong sa sahig.

"Anong nangyayari sa kanila? Bakit sila nagkakaganito?" tanong ng pinuno ng mga drakos.

"Hanggang  sa ngayon ay hindi ko matukoy kung ano ang nangyari at mali sa kanila. Hindi ko alam bakit parang nasa ilalim sila ng isang ilusyon. Hindi ko rin alam bakit hindi ko maramdaman ang signus nila. Hindi ko matukoy ang nagdudulot sa kanila ng walang katumbas na sakit kaya sila'y namimilipit. Ang tanging kakaibang nakita ko sa kanila ay ang mala-dahong marka sa kanilang noo," tugon ng matandang kanina pa nakatayo sa harap ng selda.

Napatingin sa mga noo nila ang hari. "Marahil 'yan ang rason kung bakit sila nagkakaganyan. Ngunit sino ang nilalang na kayang gawin ito. Tiyak na siya ay malakas."

"Hindi ko iyan masasagot, mahal na hari ng kadiliman," tugon ng matanda.

"Ikaw si Tatang Isko, tama ba ako? Ang pinakamagaling na healer sa buong Archania?"

"Ako nga si Tatang Isko, pero hindi ko masisigurong ako ang pinakamagaling na healer. Patawad lalo pa't hindi ko sila kayang gamutin. Kailangan ko ng umalis at ipagpatuloy ang aking paglalakbay," sabi ni Tatang Isko.

"Sandali Tatang Isko Bakit hindi ka nalang sumanib at maging Drakos katulad namin?"

***

Ester's POV

Umalis na ang mga bruhang iyon. Iniwan nila akong nag-iisa at duguang nakahiga sa damuhan. Kahit na gan'to ang sinapit ko, nasa isip ko pa rin ang sasabihin ni Lucas. I must go and meet him tonight no matter what. Kaya ko pa namang indahin ang sakit. Sanay na akong iniinda lahat ng sakit.

Iniisip ko rin, kung masakit ang iniinda ko ngayon, ano pa kaya ang sakit na iindahin ng siyam na drakos na binigyan ni Sais ng needles of contract? Na makakaramdam ng triple na sakit na nararamdaman ko.

Dahan-dahan akong tumayo. Napahiyaw pa ako sa hapdi ng aking mga natamong sugat. Dumadaloy pa rin ang sariwang dugo mula rito. Hindi ko na ito pinansin bagkus ay nagpatuloy na ako sa paglalakad, paika-ika dahil sa dami ng sugat sa aking mga paa. Mabagal kong tinahak ang daan patungong Dead Lake. Nagmistula akong pagong sa bagal pero desidido akong makausap si Lucas ngayon.

Nang marating ko ang Dead Lake ay natagpuan kong nakatayo si Lucas sa tabing lawa. He is facing the lake, so I can only see his back, his broad shoulders, which is better. Mas mainam na hindi niya makita ang sitwasyon ko ngayon.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now