/33/ Everyone Cares

20K 926 77
                                    

Chapter 33:
EVERYONE CARES
*************

Lucas' POV

"If Angel is just my imagination, will you be my real life angel then?" I can't stop this feeling anymore. Akala ko para kay Angel lang nakalaan ang pagmamahal ko, ang puso ko, pero hindi ko alam kung bakit tumitibok rin ito sa babaeng kausap ko ngayon. Gusto ko mang lingunin siya pero hindi pwede. I don't want to make myself a jerk in front of her.

Wala akong narinig na sagot sa kaniya ngunit, Blaaag! Isang tunog ang bigla kong narinig. "Ester?" Ngunit wala pa rin akong narinig na sagot. "Ester? Are you still there?" Kinabahan ako dahil wala pa rin akong narinig na sagot mula sa kaniya. Don't tell me.

"Ester?" Hinarap ko siya nang walang pagdadalawang-isip. Tinakpan ko lang ang mga mata ko baka sakaling may makita ako. Pero wala pa ring akong narinig mula kay Ester. Kung nasa tamang huwisyo siya, tiyak sisigaw siya o magre-react it pero, "OH SH*T!! ESTER?" Nang imulat ko ang mga mata ko ay halos lumuwa ang mga ito sa gulat. Basang-basa ang kasuotan ni Ester ng pulang likidong may mala-kalawang na amoy. This is blood!  Why haven't I noticed it? Bakit hindi ko man lang napansin ang masangsang na amoy na ito?

"ESTER!" Sigaw ko habang tinatahak ang maliit na distansyang nasa pagitan namin.
Sh*t. This is her blood! Napakarami niyang sugat sa buo niyang katawan at hanggang ngayon ay saganang umaagos ang kaniyang sariwang dugo. So magmula kanina nang mag-umpisa kaming mag-usap, iniinda niya na ang sakit? Kaya pala ayaw niya akong lumingon sa kaniya dahil ayaw niyang makita ko siya sa kalagayan niyang ito.

She should have told me! She shouldn't have come here at the first place! Kasalanan ko ito. If I hadn't told her to come here, hindi niya sasapitin ito.

Pansin ko ang pangingitim ng kaniyang mga sugat. Those were signs of poison kaya agad kong pinakiramdaman ang kaniyang pulso. It is still beating. Thank God, she's still alive. I must hurry and bring her to the clinic.

I messaged everyone first before I shapeshifted into a Brown Giant Wolf. I gently put her on my back using my mouth. This way, it would only take minutes to reach the clinic. I ran to the point where my vision got blurry because of how fast I am running. Ester, hang-in there!

***

Finnix's POV

I received Lucas' message through my signus ring.

"Bro, Ester'is badly hurt. We are heading to the clinic. Meet us there."

Kaagad akong kumuha ng t-shirt, dali-dali  ko itong sinuot, at mabilis na tumakbo papuntang clinic. I can't use my heat teleportation right now dahil gabi ngayon kaya kumaripas ako ng takbo.

Nakasalubong ko sina Heaven sa daan. I guess they were also notified.

"What happened?" kaagad kong tanong sa kanila baka sakaling may alam sila.

"I don't know. Lucas, for the first time after many years, messaged us saying that Ester is badly hurt," Hydra replied.

"Wasn't she okay because Marko already healed her?" Crystal asked.

"That's what I thought!" Ten answered.

Napatanong din si Winwin. "Then, what happened to her?"

"Huwag na tayo magtanungan pa. Let's go and see her saka natin itanong kay Lucas ang nangyari," sabi ni Heaven.

Nagsitakbuhan kaming lahat upang makarating nang mabilis sa clinic. I wonder what happened to her. I wonder why Lucas was the first one to found out and not me. Nang marating namin ang clinic ay kaagad naming tinungo ang room number na binigay sa amin ni Lucas. Naibalibag ko pa ang pinto ng kuwarto sa sobrang pagmamadali.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now