/8/ Crystal

26.2K 1.1K 147
                                    

Nang mawala na sa paningin ko si Ms. A, lumapit ako sa signus plant at binigyan ito ng dugo. The plant giggled again. Mukhang natutuwa ito sa tuwing binibigyan ko siya ng aking sariwang dugo.

The signus plant produced a flower but this time it is gray until it became a gray fruit. Kinuha ko ito at binuksan. Katulad ng singsing kanina, walang kulay na singsing ang lumulutang sa loob. Tinanggal ko ang naunang signus ring ko at isinuot ang walang kulay na signus ring. This time, I made use of papa's gift which is now my magnus. Pinadaloy ko ang magnus ko sa aking mga ugat at inipon ito sa aking daliri kung nasaan ang singsing ko. Hinigop ng singsing ang kulay abong aura hanggang sa maubos ito. Nagbago muli ang kulay ng signus ring ko na naging matingkad na yellow at lumabas ang status ko.

Ester Flixtov

Yellow (Rank D)

Ace Section

Signus: None

Magnus: Infinite Weapon - Can create any types of weapon using energy present in the surrounding without a limit.

Wallet: 100 Kun

"It worked!" I exclaimed and this made Ms. A to come out of her room.

Sa pagkakita ko palang ng status ko, naiisip ko na ang magiging takbo ng buhay ko dito sa Signus Academy. Tiyak magigibg sentro ako ng atensiyon ng lahat.

Sa Archania, normal lang ang mga Archanian na magkaroon ng magnus na walang signus but they are weaker to those who have signus without magnus. The Archanians who have both signus and magnus are treated as specials.

Sino ba naman ang makakapasok sa Ace Section nang walang signus?

Lahat ng nasa Ace Section ay malalakas at espesyal. Most have both signus and magnus. Some have strong signus. But why do I belong to that special section?

That's okay anyway. I hope being on that speacial section would help me find the answers to my questions faster.

Ang mas ikinabahala ko pa ay pati ang pera sa wallet ko ay bumaba rin. Ang kaninang 100,000 Kun ay naging 100 Kun nalang.

Tinignan ko ang reaksyon ni Ms. A ngunit mas lalong nakakunot ang noo niya ngayon. Ekspresyong hindi makapaniwala sa kaniyang nasasaksihan.

"How...,"pag-uutal niya habang patuloy na iniisip ang mga posibilidad kung bakit nangyayari ang mga ito.

"Baka nagkamali lang po talaga ang naunang signus ring. This is the real me. I don't have a signus but I have a magnus," pagsisinungaling ko.

"But how...," nabasa ko kaagad ang nasa isip niya base lamang sa kaniyang mga mata.

"I am just lucky Ms. A. That was why I was on par with Finnix. Lady luck is always on my side," saka ngumiti ako para kumbinsihin siya.

Sana kumagat ang pag-aarte ko...

Sana...

"Okay then. If that is what you think. Masyado na sigurong matanda ang signus plant. Maybe I should give her more mana," sabi niya habang nakatitig sa signus plant.

Muli niyang binaling ang tingin sa akin. "You can go to your dorm room now. There's a map in your signus ring. Ask anything to your signus ring and it will answer your questions. Your classes will start tomorrow. Rest well and goodluck!"

Tumango naman ako at nagpasalamat. Kinuha ko ang bagahe ko sa gilid bago tuluyang nilisan ang silid.

Sinusundan ko ang mapang ipinapakita ng signus ring hanggang sa dalhin ako nito sa harap ng bakal na pinto. Itinapat ko ang signus ring ko sa scanner.

Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang napakagandang sala. Kumpleto ito sa gamit. Agad kong hinanap ang magiging kuwarto ko para ako'y makapagpahinga na.

May apat na pintuang lagusan papunta sa apat na kuwartong naririto sa dorm. Ngunit ang tatlo dito ay may nakasulat na mga pangalan, senyakes na may nagmamay-ari na sa kanila. Tanging ang transparent na pinto ang wala pang pangalan. Tinungo ko ang pintong iyon at ini-scan ang aking signus ring.

Pagkabukas ko ng pinto ay isang walang kabuhay-buhay na silid ang tumambad sa akin. Walang kahit na anong disenyo ang makikita kahit saang sulok ng silid.

Just what I like.

Nang itapak ko na ang aking kanang paa sa tapat ng pintuan, biglang nagbago ang kaninang walang buhay na silid. Naging kulay abo ang buong silid  at nagkaroon ng iba't ibang uri ng sandata sa dingding. Para akong nasa palasyo ng mga sandata. Kahit na ang aking kama ay may mga nakaukit na mga sandata sa bandang ulohan.
'But I like this vibe better'

Kaagad kong inayos ang mga dala kong gamit sa kabinet bago magpahinga. Habang tahimik kong tinutupi ang aking mga damit ay siya namang pagmumuni-muni ko.

Bukas na bukas, magbabago ang takbo ng buhay ko. Ma, Pa, Kambal, gabayan niyo sana ako sa paghanap ko ng hustisya sa pagkamatay niyo.


***

Crystal's POV

Oh my god! This is real right! The transparent door is now gray! May new roommate na kami! "Kyaaaaaaahhh!"

Tumakbo ako nang mabilis papunta sa kuwartong iyon at binulabog ko kung sino man ang nasa loob.

Ngunit dahil sa isang matinis na tili kasabay ng pagbagsak ng pinto ay nagulat ang babaeng nasa loob. Wala sa sarili niyang kinuha ang isang dagger sa braso niya at tumalon papunta sa akin. Dinaganan niya ang aking katawan at itinutok  ang hawak niyang dagger sa aking mukha.

Binalot ako ng takot, lalo na at makatakip sa aking mukha ang nakalugay niyang buhok.

Kahit na ang babae ay nagulat din sa bilis ng pangyayari. Tila gulat din siya sa kaniyang mga naging reaksiyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakatutok pa rin sa akin ang dagger.

"Sorry, I'm so sorry," dali-dali siyang tumayo at inalalayan din akong tumayo. Tinulungan niya pa akong ipagpag ang aking uniporme.

"Patawad talaga," at yumuko pa siya. 'Pero nakakatakot ka talaga,' sa isip ko.

Napangiti nalang ako sa kaniya. "Okay lang yun, ano ka ba," sabi ko.

Tumayo na siya nang tuwid ngunit natatakpan pa rin ang kaniyang mukha ng kaniyang buhok. Gamit ang kaniyang kaliwang kamay ay hinawi niya ang kaniyang buhok at tumambad ang mukhang tila sinadyang inukit.

She is a goddess!

Napakaganda niya! Oh My God!

I'm gonna befriend her!

"I'm Crystal, a Grand Witch" kaagad na pagpapakilala ko na may kasamang puppy-eyes. Inalok ko ang aking kanang kamay sa kaniya.

"Ester," tipid niyang sagot at nakipagkamay naman siya sa akin.

Tumagal ang pag-shake hands namin dahil ayaw kong bitawan ang kaniyang malambot na kamay. Malay mo mahawaan niya ako ng kagandahan.

Grab the opportunity!

Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid at labis na namangha ako. Iba't ibang uri ng sandata ang nagpapaganda sa kaniyang silid.

The design of the room is based on the signus or magnus of its owner. Maybe her signus is a weapon type stuff?

"Sorry kung nagulat kita kanina. As a compensation, libre kita for one week," nakangiti kong sabi. Nakangiti siyang tumango. Her eyes even twinkled.

Sobrang ganda niya talagaaaa!

Nagpatuloy siya sa pagliligpit ng kaniyang gamit samantala ako ay naupo sa kaniyang kama habang minamasdan siya.

Kanina ay para siyang halimaw kung pano niya ako inatake. Ngunit ngayon, napakahinhin niyang gumalaw na halos hindi makabasag pinggan.

This girl is interesting!

Kakaibiganin ko talaga 'to!

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora