/29/ Signus Improvision

21.3K 862 70
                                    

Chapter 29:
SIGNUS IMPROVISION

************

At: Building 3, 11th Floor, Room 139
Subject: Signus Improvision

***

Ester's POV

Limang minuto na lang ay magsisimula na ang klase namin sa subject na Signus Improvision. I don't have any idea on what to do in this subject. Base on the subject's name, baka dito kami gagawa ng mga techniques kung pano gamitin ang aming signus.

"Good morning class." A professor wearing an eye glasses suddenly greeted us without any intonation. His hair is curly, he is skinny, and he seems to be in his mid-30's.

"Good morning, Mr. Vector!" tugon ng mga kaklase ko. Mr. Vector pala ang pangalan niya. Lagi siyang nakapoker face mula nang pumasok siya kanina. Napaisip na naman tuloy ako kung hindi ba nangangawit ang noo niyang permanenteng nakakunot.

Based on Mr. Vector's skinny appearance, he looks so easy to deal with. But I believe to never judge a book by its cover. He is professor of Ace and Beta Section in this subject so maybe he is strong. I wonder what his signus is.

"Today, we will do the usual class procedure. Go to your respective squares and practice or create your techniques. Make sure to improve them. I will be checking it next meeting," Mr. Vector said. Rinig na rinig ito sa buong silid dahil medyo may kaliitan ito.

Tama nga ang hinala ko na tungkol sa mga techniques ang subject na ito. Pero ang ipinagtataka ko lang, paano kami makagagawa ng techniques kung napakaliit ng espasyo dito sa room lalo na't dalawang section kaming andito. And respective squares? What is he talking about? Tiningnan ko ang tiles ng silid. Baka ito ang tinutukoy ni Mr. Vector dahil napansin ko ring nagsitayuan ang mga kaklase ko't tumayo sa taas ng tiles. Ginawa ko kung ano ang ginawa nila. Naghanap ako ng bakanteng tile at doon tumayo. Saktong-sakto lang ang mga paa ko sa tile na ito. So what now? How am I suppose to throw my knives in this little space?

"Are you already in your squares?" malakas na tanong ni Mr. Vector. Bigla 'ata nagbago ang awra niya.

"Yes, Mr. Vector!" sabay-sabay na sigaw nilang lahat maliban sa akin.

Tinuro ako ni Mr. Vector. "You! Why didn't you respond?" Pansin niya sigurong hindi ako nagsasalita mula pa kanina.

"Ah... eh..." Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"She is new here, Mr. Vector," pagsingit ni Lucas.

"She doesn't know your rules yet," dagdag pa ni Finnix.

Hindi ko inasahan ang biglang pagsalita nilang dalawa upang magpaliwanag para sa'kin. Ngunit ang mas ihindi ko inaasahan ang parang pagkawala ang dating galit na si Mr. Vector nang magsalita sina Finnix at Lucas. Parang naging maamong tuta si Mr. Vector at kumikinang-kinang pa ang kaniyang mata habang tinititigan sina Finnix at Lucas. Is Mr. Vector... gay?

"Is that right? Are Mr. Eathren and Mr. Ignus right?" tanong sa akin ni Mr. Vector.

"Y--yes, Mr. Vector," nauutal kong sagot.

"Okay, then. Since everyone is ready..," Mr. Vector snapped his fingers at bigla na lamang gumalaw ang paligid. Unti-unting lumaki ang silid-aralan na kanina'y masikip at maliit. Gumalaw ang tile na kinatatayuan ko at dinala ako nito sa bandang likuran ng ngayong malawak na na silid. Ang maliit na space na mayroon ako kanina ay naging sobrang lawak. Ang tile na kinatatayuan ko'y napakalapad na rin. May nakikita pa akong barrier na nakapalibot sa dulo ng square tile kung nasaan ako nakatayo. I think it's to separate one student from another while practicing our techniques. Amazing!

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now