/21/ Sais & Siete

21.3K 887 124
                                    

Chapter 21:
ESTER'S SIGNUS: SAIS & SIETE

- After Ester's family died -

Natagpuan ni Tatang Isko at ng kaniyang apo na si Marko ang isang batang babae na duguan. Kaagad nila itong ginamot gamit ang kanilang signus at dinala sa kanilang bahay.

Nang magising si Ester, natagpuan niya ang kaniyang sarili sa loob ng isang silid.

Kaagad niyang hinanap ang kaniyang mga magulang at ang kaniyang kakambal. Pinapanalangin niya na sana panaginip lang ang lahat ng nangyari.

May biglang pumasok sa loob ng silid kung saan siya nakahiga ngunit hindi ito mukha ng mga taong gusto niyang makita. Hindi mukha ng kaniyang pamilya ang pumasok sa silid. Bagkus, mukha ito ng isang matanda at isang batang lalaki.

Nalungkot si Ester. Kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib. 'Sana mali ang naiisip ko,' sa isip niya. Kinakabahan siya at hindi mapakali.

"Do... Do you know where's my Mom?" nauutal na tanong ni Ester.

Umiling ang matanda. "Pasensya ni Hija dahil hindi ko alam kung nasaan ang mga magulang mo. Natagpuan ka lang naming duguan sa damuhan kaya kaagad ka naming sinaklolohan. Huwag kang mag-alala, maayos na ang kalagayan mo. Pero... pwede mo bang ikwento kung ano ang nangyari bakit ka duguan?" tanong ni Tatang Isko.

Tumulo ang mga luha ni Ester. "Totoo nga Totoo ang mga nangyari nang gabing iyon."

Totoong wala na ang kaniyang pamilya.

Tila gumuho ang mundo ni Ester. Napasapo siya sa kaniyang naninikip na dibdib. Naramdaman niya ang sakit na mawalan ng mga minamahal sa buhay sa mura niyang edad. Napakasakit sa pakiramdam. Para bang pinipiga ang kaniyang puso.

Umiling-iling si Ester. Ayaw niyang pag-usapan ang mga pangyayari kahit pilit itong naaalala ng kaniyang isipan.

"Sige, Hija, magpahinga ka na muna," sabi ni Tatang Isko bago umalis kasama si Marko..

Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay humagulgol sa iyak si Ester. Kinagat niya pa ang kaniyang labi upang pigilang gumawa ng tunog. Nagmistulang talon ang kaniyang mga mata na hindi tumitigil  sa pag-agos ang kaniyang mga luha.

Hikbi.

Iyak.

Hikbi.

She wanted to stop the pain. Gusto niyang pigilan ang sakit na kaniyang nadarama. Nakita ni Ester ang isang patalim na ginagamit ni Tatang Isko sa panggagamot.

'This is the only way to stop this pain,' naisip ni Ester. Sa maikling panahong iyon ay labis na kaagad ang kaniyang pangungulilang nadarama.

Kinuha niya ang patalim at tinutok ito sa kaniyang pala-pulsuhan.

"Ester, don't!" Sabay-sabay na sigaw ng kaniyang mga Links sa kaniyang isipan.

"Don't waste your life, Ester," sabi ni Tres.

"Your family died to protect you! Don't waste their efforts to protect you!" nadidismayang sabi ni Uno.

"But it hurts. I don't want to feel this pain anymore. I just want to end my life so I could be with them!" sigaw ni Ester. Hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang sagana niyang luha.

Samantala, nasa tapat ng pinto ang batang si Marko at pinapakinggan ang mga nangyayari sa loob ng silid.

'Bakit nagsasalita siya ng mag-isa?' nagtatakang tanong ni Marko sa kaniyang isipan.

"But that is not the way, Ester! You are smart! So think smart. You have to live for the sake of your family!" sumisigaw na rin si Dos sa isipan ni Ester.

This is the responsibility of the Links, to make sure that no harm will happen to their master.

Nararamdaman ng mga links ang nararamdaman Ester sa mga pagkakataong iyon. Nahinuha nila na ayaw makinig ni Ester sa kanila.

Habang pinipigilan nila ang binabalak ni Ester ay balak nilang gisingin ang ikaanim na Link baka sakaling mailigtas nito si Ester.

Unti-unting gumalaw ang kamay ni Ester at idinikit sa palapulsuhan niya ang patalim.

Nag-panic ang mga Links. Inipon ng mga ito ang lahat ng kapangyarihang mayroon sila upang pwersahang gisingin ang ikaanim na Link ni Ester. Pinagsama-sama nila ito at itinapon sa parang pintuan na nasa loob ng katawan ni Ester. This the only way to wake-up Ester's 6th Link: to open the door that keeps the 6th link from waking-up and from going-out..

Sa lakas ng pinaghalo-halong kapangyarihan ng mga Links ay nagkabitak-bitak ang pinto nang tumama ito. Lumabas mula rito ang pinaghalong itim at puting usok na naging tao makalipas ang ilang segundo. Kamukha rin nito si Ester maliban na lang sa itim-na-itim na mga mata nito.

"Finally! Ester's 6th sister is awake!' sigaw ni Uno.

"6th Link! Save our master! Do something!" sabi naman ni Tres.

Walang emosyong nagpalabas ng itim na usok ang 6th Link na pumasok at dumaloy sa mga ugat ni Ester.

Mga isang sentimetro na ang hiwang gawa ni Ester sa kaniyang pulso upang sana'y kitlin ang kaniyang buhay nang bigla na lamang nawala ang sakit na nararamdaman niya. Both the emotional  and physical pain that she was feeling vanished. Naging manhid ang kaniyang buong katawan pati ang kaniyang emosyon.

Tuluyan namang binuksan ni Marko ang pinto. Natagpuan niyang hawak-hawak ni Ester ang patalim at may sugat ito sa pala-pulsuhan kung saan dumadaloy ang sariwang dugo.

"Tatang Iskoooo!" Malakas na pagtawag ni Marko upang humingi ng tulong.

Hindi naman napansin ng mga Links ang pagkabitak ng isa pang nakasarang pinto sa loob ng katawan ni Ester. Nagkaroon ng kaunting butas sa pinto na sapat lang para makalabas ang mumunting liwanag na naging tao kinalaunan. Ngunit hindi ito kamukha ni Ester. Kamukha ito ng batang-bata na si Ester. Kamukha ito ni Ester nang siya ay napakabata pa.

Ang mga Links ni Ester ay tumatanda at nagiging katulad na katulad ni Ester maliban nalang sa kulay ng mga mata. Ngunit ang isang ito ay hindi. Siguro ay dahil ito sa hindi pa talaga oras upang magising siya.

Ang Link na ito ay ang ikapito. Nakangiti pa itong nakatayo sa harap ng iba pang mga Links. Siya lang ang tanging kakaiba dahil mas bata siya ng 'di hamak sa iba pang mga Links.

Kahit walang inutos sa kaniya ay bigla siya nagpalabas ng kapangyarihan. Lahat ng nasa palibot ni Ester ay nagsitumbahan at nagsibagsakan dahil sa ginawa ng 7th Link.

Pati si Marko ay bigla na lamang natumba. Sumigaw ito at humingi ng tulong sa katabi niyang si Tatang Isko.

Hindi siya makatayo na para bang karga niya ang buong daigdig.

Humalikhik ang batang link sa loob ng katawan ni Ester ng makita ang pangyayari.

Siya si Siete. A gravity manipulator.

***

Lumipas ang ilang taon ay lumaki na si Ester. Siya ay naging ganap na dalaga kasama ng kaniyang mga Links maliban kay Siete na nanatiling isang bata. Siya ay mapaglaro at laging walang pakialam. Ngunit siya ay maaasahan sa gitna ng laban.

Ikinuwento ng mga Links kay Ester kung paanong nangyari at nagising si Siete.

Sa loob ng katawan ni Ester ay may parang bahay kung saan namamalagi ang mga links sa tuwing hindi sila isinu-summon ni Ester. Mayroon ring mga kuwarto, sala at iba pang makikita sa normal na bahay. Sa loob ng bahay sa loob ng katawan ni Ester ay may (13) labing-tatlong pintuan kung saan pito na ang nakabukas at isa ang hindi pa tuluyang nabubuksan kung saan nagmula si Siete.

Mula rito, nalaman ni Ester na siya ay may pito pang Links na natutulog sa kanyang katawan na kailangang gisingin at pakawalan.

- End of Ester's signus flashbacks -
*************

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now