/18/ Ester's Signus: Uno

21.7K 953 90
                                    

Chapter 18:
ESTER'S SIGNUS: UNO

Ester's POV

'Run!'

As the seven voices echoed in my mind, agad namang rumesponde ang katawan ko upang sundin ito.

Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa makalayo ako sa Land of Blossom. Ito ang plano ko, ang lumayo sa Land of Blossom bago kalabanin ang mga humahabol sa akin. Ayokong basta-bastang masira ang ganda ng Land of Blossom.

Sa takbuhan lang, walang makakapantay sa bilis ko. Hingal na hingal ang mga Drakos na humahabol sa'kin at napakalayo ng pagitan ko mula sa kanila. Hindi na ako tumakbo pa. Hinintay ko silang makalapit sa akin

"Ano kaya pa?" pang-aasar ko sa kanila.

"Nakuha mo pang mang-asar. Tingnan natin kung magagawa mo yan kapag pinatay ka na namin," nanggigigil na sabi ng lalaking maraming sugat sa mukha.

"Tss. Please lang. Maawa kayo sa sarili nyo, at ayoko ring madumihan ang mga kamay at damit ko sa araw na ito. I don't even need to use my hands to kill you," sagot ko.

Ayaw kong madumihan ang unipormeng suot ko. Tiyak magtataka ang mga tao sa akademya kapag umuwi akong duguan.

"Hindi maiiwasang madumihan ka kapag pinatay kita. Titiyakin kong kakalat ang dugo mo sa kinatatayuan mo," sabi ng babaeng may magulong buhok.

"Okay then. I've given you a chance to live. You better say your last words," mahinahon kong sabi. Sinimulan kong pinadaloy ang signus ko sa aking mga ugat. Ang sensasyon ng pagpilipit ng mga kakaibang lubid sa ugat ko ay damang-dama ko. Napakasarap nito sa pakiramdam

"You are brave, but sadly mag-isa ka lang. Siyam kami at 'di hamak na D-rank ka lang at lahat kami ay B-rank. Ready to die?" nakasmirk na saad ng lalaking leader nila bago nagpakawala ng dalawang dark energy ball. I crossed my arms to block the attack at lumikha ito ng pagsabog.

Hmmm... He really is a B-rank Drakos. Poor them. Their attacks are nothing to me. I am an S-rank pretending to be a D-rank.

Nabalot ng usok ang buong paligid Wala akong natamong sugat ngunit nagkagutay-gutay ang suot kong uniporme. You will pay for this!

Hindi pa nawawala ang usok ngunit ramdam ko na pumalibot ang siyam na kalaban sa akin. Bagama't hindi ko makita ang nangyayari sa paligid ay ramdam ko ang pag-ipon nila ng kanilang signus at sabay-sabay na pagpakawala nito para puntiryahin ako. Bago pa ako tamaan ng papalapit na atake ay tumalon ako nang napakataas para iwasan ito. Sa pangalawang pagkakataon ay lumikha ito ng napakalaking pagsabog. Mula sa itaas ay nakita ko pa kung paano humaba ang buhok ng babaeng may magulong buhok para puntiryahin ang kaninang kinaroroonan ko.

Buti nalang at nakaiwas kaagad ako. I can block a signus of a B-rank easily, but blocking more than five signus will give me injuries.

Sa paglapag ko muli sa lupa ay siyang pagpalid ng usok sa paligid dala ng hanging gawa ng impact ko sa lupa. 

"Diyan kayo nagkakamali. You think I'm alone? Pwes, nagkakamali kayo." I hissed. Ilang araw ko na rin hindi nagagamit ang buong signus ko at ilang araw ko na din sila hindi nakakausap. Maybe now is the time.

'Links Summon,' I chanted secretly then I smirked at them. Pitong ilaw ang lumabas mula sa katawan ko at isa-isa itong nag-anyong tao. Lahat sila ay naging babae na kamukhang-kamukha ko, kawangis ko, maliban sa kulay ng iris ng mga mata nila.

This is my Signus. I have many personalities who have different abilities. I can borrow and use their abilities as effecient as how they can use it, and I can also SUMMON all of them at a time.

*** Flashbacks of  Ester's Signus ***

Third Person's POV

- After Ester was born -

"Sshhhhh. Stop crying, honey," nag-aalalang sabi ni Egar.

"Mahal, Ester doesn't stop crying. I already gave her a milk, but she doesn't want it," pagtatawag niya kay Martes.

Kinuha ni Egar ang sanggol na si Ester mula sa pagkakahiga at inugoy ito. Ngunit hindi pa rin ito huminto sa pag-iyak.

Kumanta pa si Egar at nilakasan ang pag-ugoy kay Ester ngunit hindi pa rin ito tumatahan. Bagkus, mas lumakas pa ang pag-iyak nito.

"Please stop crying, honey. Tell Papa what my baby wants," paglalambing ni Egar. Tumigil naman sa pag-iyak ang sanggol. Bumubuka ang bibig nito na parang may gustong sabihin ngunit puro "Bababababababa," lang ang naririnig ni Egar.

Kumunot ang noo ni Egar dahil alam niyang may gustong sabihin si Ester. Hindi niya lang ito maintindihan. Umiyak muli nang napakalakas si Ester.

"Shhh. Tell Papa again," sabi ni Egar. Muling tumigil sa pag-iyak ang sanggol at nagsalpukan ang dalawang kilay nito na parang nagko-concetrate hanggang sa...

"What is this?" gulat na tanong ni Egar. Mula sa noo ng sanggol na si Ester ay may lumabas na mga imahe. Mga imahe ng mukha ni Egar habang nagme-make-face. Nag-flash ito sa ere na parang pelikula.

"This is a low grade illusion. How can Ester have a signus at this young age? Ito ang gusto niyang gawin ko. Dahil hindi niya masabi sa akin ang gusto niya, pinakita niya ito sa akin gamit ang ilusyon," hindi makapaniwalang sambit ni Egar.

Inilapag ni Egar si Ester sa kama at pinapangit ang kaniyang mukha. Nakaduling ang mga mata at nakalabas dila. Ngumiti ang sanggol na si Ester hanggang sa tumawa ito nang malakas. Pinagpatuloy ni Egar ang pagmake-face habang patuloy rin sa pagtawa ang sanggol.

"Baby Ester is an illusionist!" masayang sabi ni Egar. Natutuwa siya dahil hindi summoner ang kaniyang anak. Hindi manganganib ang buhay niya.

Ngunit isa pang mas nakakagulat na pangyayari ang nagpagulat kay Egar. May lumabas na puting liwanag sa noo ni Ester at naging anyong sanggol ito. Kamukhang-kamukha ito ng sanggol na si Ester maliban sa puting iris ng mga mata nito. Tumaas ang balahibo ni Egar sa nasaksihan.

Makalipas ang limang segundo ay bumalik sa pagiging liwanag ang sanggol na kamukha ni Ester at bumalik ito muli sa kaniyang noo.

"What was that?" nagtatakang tanong ni Egar sa sarili.

- End of Chapter 18 -
*************

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now