Chapter 31

43.1K 534 37
                                    

 YAAAY! UPDATE!! Hahahaha. Saya ko. :D May characters na pala ang EFFOR (F4) ko. Hihihi. Nasa side sila.

Syempre si Kim Joon as Price Realde ("re-YAL-de" para sa mga 'di pa alam ipronounce ang apilyedo niya. Haha!)

Kim Jaejoong as Kent Santiago

Junsu K as Leo Sy

Huang Zi Tao as Mac Rivera.

Magkakamukha daw silang lahat? Hahaha. OO, inaamin ko. Hihihi. Feel ko kasi perfect sila eh. Hahaha!

Anyway, maraming salamat sa mga patuloy na sumusuporta sa Accidentally Married! Labyu guys! God bless! :)

BASA!

---------------------------------------------------

                “KYAAAH! ANG GANDAAA! WAAAHHH!” sigaw ng iskandalosang babaeng katabi ko na nagngangalang Raissa.

                Boracay na kami. YAY! Oh, the white sand. The blue sea. The fresh air. WOOH! BORACAY! Haha!

                “Kung makasigaw ka diyan kala mo ‘di ka pa nakakalabas ng Manila!” sabi ko sakanya. Eh lagi kaya ‘tong nagbabakasyon abroad! Kung saan-saan na sila nakapunta.

                “Hay nako! Walang ganito sa mga napuntahan ko! Only in the Philippines ‘to!” sabi ba naman niya.

                “Ssshh! Hilong-hilo pa ‘ko sa biyahe, ang ingay-ingay mo!” sigaw ni Chris. Silang lima ang hilong-hilo talaga. Haha! Kawawa.

                Pati si Price haggard pa. Parang ‘di sanay bumiyahe. Haha! Itsura niya parang nakakain siya ng sandamukal na lamok. Haha! Shh lang ha! Baka magalit na naman sakin. Haha!

                “Che! Asar ka lang kasi ‘di ako nahilo sa biyahe at pretty parin ako!” sabi ni Raissa kay Chris sabay dila.

                Haha! Itong dalawa ‘di ko maintindihan. Minsan ang sweet ng sobra, minsan naman nagbabangayan.

                Kinampihan naman ni Leo si Raissa kahit pati siya nahihilo parin. “Walang kwenta talaga ‘yang kapatid ko ‘no?”

 

                “Hahaha! Tara na nga! Pumunta na tayo sa hotel nang makapagpahinga na kayo. Ang iinit na ng ulo niyo. Hahaha!” sabi ni Hannah. So sumunod na kami papunta sa hotel.

                “Kayong apat, alam ko namang ‘di ko kayo mapaghihiwalay, kaya isang room kayo. Malaking room yung sa inyo,” sabi ni Hannah sabay abot ng susi kay Kent. “Magkasama na kami ni Raissa. At syempre, ang mag-asawa...” inabot niya yung susi kay Price. “Magkasama.”

 

                Whoa. Yung puso ko, nahulog ata. Nabingi na din ata ako. Magkasama kami sa iisang kwarto ni Price. WAAH!

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon