Chapter 44

28.7K 319 17
                                    

UPDAAAAATE! FINALLY! Wahahahaha! Tapos na ang days of torture. Kaya pasensya na sa sobrang tagal na paghihintay. Huwaaaa! *kaway kaway* sa mga bagong friends! Hihihi. Salamat po sa patuloy niyong pagsuporta. Graaaabe. Tenkyu talaga.

Anyway, 'di ko na patagalin pa. BASA!

--------------------------------------


                “Bakit ‘di mo siya tanungin, Saydie? Tanungin mo sa asawa mo. At ‘pag dineny niya, ako mismo ang maghahatid kay Alex sayo, para malaman mo ang totoo.”

                ‘Yan ang huling sinabi sakin ni Daniel.

                Bakit ba ganito? Bakit parang hindi na nawawala ang mga pagsubok sa amin ni Price?

                Huminga ako ng malalim. Nandito na ako sa condo. Handa na akong kalimutan lahat ng nangyari kanina. Ayoko nang balikan yun.

                O_o? <-- Ganyan ang naging itchura ko pagpasok ko sa unit.

                Paano ba naman, si Price, nakabaliktad sa sofa, naglalaro ng PSP habang nakabukas ang TV. As in nakabaliktad talaga siya. Nakataas yung mga paa niya sa sandalan nung sofa, tapos yung ulo niya malapit nang tumama sa sahig. Basta ganun ang itchura niya!

                “Anong ginagawa mo?” tanong ko.

                “Hinuhuli si Mew.”

 

                Ano daw?! Diba Pokemon yun? Tss. Naglalaro siya ng Pokemon?!

                “Eh bakit ka nakabaliktad?”

 

                “Kasi hinuhuli ko si Mew.”

 

                Owkaaaay. I’m speechless.

                “AAAAWWWWWYEEEAH!” bigla siyang sumigaw at umupo ng maayos. “NAHULI DIN KITAAAA! WAHAHAHAHAHA!”

 

                O_O Srsly?! Ngayon ko lang siya nakitang ganito! Parang bata!

                “Anyare ba sayo?” tanong ko at nilapitan siya.

                “Dami kong nakaing tsokolate ehh. ^_^”

 

                “KINAIN MO YUNG CHOCOLATES KO?!”

 

                “Mm-mm. Sarap pala nung binili ko ‘no? Bibili ulit ako ng ganun. ^_^”

 

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon