Chapter 71

29.6K 365 16
                                    

First of all, SECOND TO THE LAST CHAPTER NA ITO! Huhuhuhu. Most probably last chapter na yung susunod. Kaya comment na ng comment! Waaaah! Ang sad talaga. Huhu.

Pangalawa, one of Wattpad's MOST READ STORIES ang Accidentally Married sa 2013! WAAAHH! THANK YOU THANKYOU GUYS! Mahal na mahal ko talaga kayo. Swear. I LOVE YOU ALL! :*

At pangatlo, IPLAY NIYO MAMAYA YUNG BACKGROUND MUSIC! Sana basahin niyo yung mga last chapters sa computer para may music. Hihihi. Kung nakaphone ka, lumipat ka muna sa computer! Djk. Hahaha. Pero swear. Nilalagay ko yung music for a reason. Kaya sana, pakinggan! Hahaha. Yun lang.

WAH! #TheEndisNear. Iloveyouguys. God bless you all. :*

******

                “Mare, mabuti nalang pala at maagang nagpakasal ang mga anak natin ano? Ang babata pa natin pero ma-eenjoy na natin ang mga apo! Hahaha,” biglang sabi ni Mommy kay Mom ko habang naghihintay kami sa labas ng ICU. The doctors were checking on Price.

                “Hahaha, oo nga. Ganito pala ang pakiramdam kapag magkaka-apo na ano?” sabi naman ni Mom ko.

                “Oo, mare! Nakakatuwa talaga. Para kang nakaakyat sa higher level ng buhay mo,” sabi naman ni Mommy. (Mom ni Price)

                They were both trying to lighten up the mood. Ilang araw na din kasing nasa ICU si Price.

                Ilang araw nang tahimik. Ilang araw nang hindi namin naririnig ang tawa ni Price, o kahit ang boses niya.

                I miss him so much.

                Ilang araw na ring iba ang atmosphere sa pagitan naming lahat. Everybody was trying to make the mood better, pero hindi parin nawawala yung pakiramdam na may mali.

                Parang may isang napakalaki at napakadilim na ulap sa ibabaw ng mga ulo namin, pero pilit namin hindi pinapansin.

                “Hi, Saydie! Hello, Mothers!” malakas na sabi ni Leo habang naglalakad siya at ang lahat ng Royals papunta sa amin.

                “Oh, mga anak. Nandito pala ulit kayo. Araw-araw na kayong nandito ah. Hindi ba kayo napapagod?” sabi ni Mom sakanila.

                “Okay lang po kami, tita. We’ll be with you every step of the way,” sagot ni Raissa, giving me the most genuine smile she can.

                Napangiti din ako, at nakaramdam ako ng kahit konting ligaya sa puso ko.

                Pero kahit araw-araw kaming kumpleto; kahit araw-araw silang nagpapagod para lang pasayahin ako, kulang na kulang parin.

 

                Something’s still missing.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon