Chapter 18

51.1K 559 8
                                    

                Nagising ako nang maramdaman kong may mga kamay na gumagalaw sa katawan ko.

                “Tita, wake up,” narinig kong sabi ng isang bata.

                Huh?

                Dumilat ako. Nakita kong kaharap ko si Princess. Gising na gising na siya.

                “Tita, wake up na. Let’s go!” reklamo ni Princess. Napaupo tuloy ako.

                “Is your tito Price awake?” tanong ko. Umiling naman siya. Haayy, nako. Bakit ko pa nga ba inasahan yun? Sunday ngayon eh. Malamang buong araw siyang tulog.

                “I’ll just cook some breakfast, ok? What do you want? You want eggs?”

                Ngumiti siya at tumango. Bumangon na ako. Binuhat ko si Princess at lumabas kami ng kwarto. Dinala ko siya sa kusina. Dahil sa nangyari kagabi, ‘di ko na hahayaang mawala sa paningin ko si Princess. Delikado na. Baka mas malala pa ang mangyari.

                Pinaupo ko siya sa counter, para kitang-kita ko talaga siya.

                “Stay here, ok?” sabi ko sakanya. Tumango ulit siya at ngumiti.

                Nagsimula na akong magluto. Walang-wala na talagang laman ang ref. Kung ipagpapatuloy ko ang pagluluto sa pamamahay na ‘to, kailangan na talaga naming mag-grocery. Lalo na’t kasama namin si Princess.

                Ayun nga. Nagluto na ako. Eggs at rice. Tapos konting hotdog din na naiwan. Inubos ko na lahat ng laman ng ref.

                Pagkatapos kong magluto, inayos ko na din yung mesa. Si Princess, naglalaro lang sa counter. Masaya naman siya.

                “Come, Princess. Let’s eat,” sabi ko at binuhat siya papunta sa mesa. Pinaupo ko siya sa upuan sa tabi ko. Naalala ko bigla si Price. Gigisingin ko pa kaya yun?

                Speaking of... Bigla siyang nagpakita. Akalain mong nagising pa siya?

                “Kain na,” sabi ko. Umupo lang siya at walang sinabi. Tapos nagsimula na siyang kumain. Badtrip ah. Umagang-umaga.

                Pinakain ko na din si Princess. Mabuti nalang at masunuring bata ‘to. ‘Di naman masyadong naglalaro. Madaling pakainin. Pero syempre, dahil kumakain din ako, medyo mabagal din ang usad namin.

                Si Price, natapos nang kumain. Wala manlang akong narinig ni isang salita galing sakanya. Kami lang ni Princess ang naririnig dito ngayon. Napakatahimik ni Price.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon