Chapter 1

172K 1.6K 45
                                    

                Sa isang kasal, nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang taong nagmamahalan para ipakita sa harap ng Diyos at ng mga tao ang sumpaan nila sa isa’t isa. Sa kasal, ang dalawa’y pinag-iisa ng dahil sa pag-ibig.

                AY! Ang drama ko teh! Ano ‘to? MMK? Iyakan? Gosh! Makapagkwento na nga lang. Background story muna tayo.

                Kasal na bukas. Kasal na ng kapatid ko, si ate Sab. Nineteen palang siya, a year older than me. Ikakasal siya sa isang taong pinili ng iba para sakanya. Kailangan daw eh. Alam niyo naman na ang mga ganyan sa pelikula diba? Para daw sa ikabubuti naming lahat.

                Walang magawa si ate. Pero hindi ko alam kung anong nararamdaman niya tungkol dito. Hindi naman siya nagrereklamo. Hindi siya nakikipag-away, pero hindi rin naman siya nagtatatalon sa tuwa.

                Nag-aalala na nga ako sakanya eh. Kaya naisipan kong bisitahin muna siya sa kwarto niya.

                Kumatok ako. “Ate? Si Saydie ‘to,” sabi ko. Sabihin mo nga pangalan ko. SEY-dee. Ok, good.

                “Pasok.”

 

                Pagpasok ko, nakaupo si ate sa kama. Nagreready nang matulog. Nakapalibot sakanya yung mga gamit niya. Lahat ng gamit niya. Dun na rin kasi siya titira sa mapapangasawa niya. Ikakasal talaga sila.

                “Ano, ate? Ready ka nang maging misis?” tanong ko.

                “Grabe namang tanong ‘yan!” sabi ni ate sabay tawa. Tumatawa siya, pero nakita ko yung takot at lungkot sa mga mata niya. Naawa tuloy ako.

                “Ate... ‘di mo naman kailangang gawin ‘to,” mahina kong sabi.

                Ayoko lang kasi siyang makitang ganito. Kilala ko si ate. Masayahin, palaging nakangiti. At malakas siya; palaban. Pero ngayon, wala siyang magawa kundi sumunod.

                “Minsan kasi, may mga bagay na kailangan mong isakripisyo, lalo na kung para sa ibang tao. Minsan kailangan mong isakripisyo lahat ng kaya mong isakripisyo. Up to the point na pati sarili mo kakalimutan mo,” sabi ni ate Sab. “’Di ko naman talaga pinagisipan ‘to eh. Hanggang ngayon ‘di ko pa pinag-iisipan. Sa ngayon, gagawin ko nalang kung anong dapat.”

 

                Napabuntong-hininga ako. Nakakapanibago kasing makita si ate na ganito eh.

                “Saydie, pag-isipan mong mabuti mga gagawin mong desisyon ha. Ipangako mo sakin yan. Ayokong magkamali ka sa mga desisyon mo,” dagdag pa niya.

                “Ano?? Nag-Syntax Error na utak ko. Masyado ka nang malalim. ‘Di na kita abot. Dudugo ilong ko sayo eh! Hahaha!” sabi ko nalang. ‘Di ko na kaya yung seriousness niya eh.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon