Chapter 41

32.7K 390 6
                                    

                Hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko kaya. Dahil gulong-gulo ako. Kung ano-anong tumatakbo sa isip ko.

                Nagdadalawang-isip talaga ako eh. Kasi sa tingin ko, we really are too young to be married.

                Maybe it really was a bad idea. Maybe right from the start, mali na talaga.

                Pero ano pang magagawa ko? Ano bang pwede kong gawin?

                “Oh, Saydie, andito ka na pala! ^_^ Kamusta yung lakad mo? Kumain ka na ba?” bati sakin ni Price pagdating ko sa condo.

                Tumango lang ako at pilit na ngumiti.

                “B-bakit? Okay ka lang ba? May nangyari ba?” nag-aalalang tanong niya.

                Umupo ako sa sofa, at tinabihan niya naman ako.

                Kailangan naming mag-usap. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.

                “Price, sa tingin mo ba tama lang na nagpakasal tayo?”

 

                Gulat na gulat at takang-taka siya sa sinabi ko.

                “Ano?! B-bakit? Ano bang sinasabi mo? Bakit mo naman naisip ‘yan?”

 

                “Naisip ko lang naman,” sabi ko. “Eh hindi ba masyado pang maaga? Ang bata pa kasi natin eh.”

 

                “Bakit, Saydie? Bakit naiisip mo yan?” tanong niya. “H-hindi ka ba masaya?”

 

                “Hindi naman sa ganon. Kasi nga, we’re still young. Marami pa tayong makikilalang tao,” sabi ko. “P-pano ‘pag may... makilala ka? O kaya may makilala ako? O kaya naman ‘pag tumanda na tayo, baka ayaw mo na sakin. Baka makakita ka ng mas maganda, mas mabait, mas matalino.

 

                “P-pano ‘pag nagkasawaan tayo? Dahil sobrang bata pa natin kinasal na agad tayo? At alam kong hindi madaling bumuo ng pamilya. Pano ‘pag dumating na ang mga problema?” sabi ko.

                Huminga ako ng malalim. Mas narealize kong marami pa pala kaming haharapin.

                “Ayoko lang kasi na pagdating ng panahon,” mahina kong sabi, “masira ang lahat.”

 

                “So what do you want to do?” tanong niya. “Maghiwalay tayo?”

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon