Chapter 15

59.5K 634 12
                                    

                Sabado na naman. Paggising ko, mataas na ang araw. Halos ‘di kasi ako makatulog kagabi kakaisip sa mga pangyayari sa buhay ko. Nakakawindang lang talaga. ‘Di ko na alam kung ano pang pwedeng mangyari.

                Pero ayun nga. Sabado na at walang pasok. At dahil medyo mainit na sa kwarto ko, lumabas na ako. Nagulat ako sa katahimikan. Napakatahimik. Ang naririnig lang ay yung mga sasakyan sa labas. Parang mag-isa lang ako dito sa unit.

                Asan nga kaya si Price? Wala naman siya sa sala. Asan kaya yun? Ay teka, makakain nga muna. Nagugutom na ako.

                Dumerecho ako sa kusina. Bubuksan ko na sana yung ref nang may nakita akong papel na nakadikit sa handle.

                Lumabas lang ako. Kasama ko yung tatlo. Baka mamayang gabi pa ako makauwi. Bahala ka na kung anong gusto mong gawin. –Price.

 

                Hmmm. Lumabas siya. Kasama niya yung tatlo. Bahala na daw ako sa buhay ko. Pero in fairness! Nagpaalam! May pa-note-note pa siyang nalalaman! Corny.

                Sorry. Bitter lang talaga ako.

                Pero yun. Kumain na ako. Pagkatapos kumain, inisip ko na kung anong sunod na gagawin ko. Wala naman kasi akong plano. Si Raissa naman ‘di pa nagtatawag. Wala din naman akong homework. Anong gagawin ko?

                Bigla akong napatayo at pumunta ako sa kwarto ko. Tinignan ko yung cabinet ng mga damit ko. Halos wala nang laman.

                Yun nga pala ang dapat kong gawin! Kailangan ko nang maglaba. Haayy. Housewife pala ang drama ko ngayon. Sige, sasabayan ko na din ng linis. At mamaya siguro pupunta ako sa bahay. Kukuha ng mga damit. Wala pa naman kasi akong chance na bumalik sa bahay namin para kunin yung mga gamit ko.

                Pero first, maglaba muna. Pati na rin mga damit ni Price. Gagawin ko lahat ng gawaing bahay, nang maging dakilang housewife naman ako.

                Teka nga... Pano nga ba maglaba?! Mygoodness. ‘Di naman ako marunong maglaba eh! T_T

                Waaaaah! Hay, bahala na nga. May washing machine naman. Pipindot-pindot nalang ako dito. Sana lang tama ‘tong ginagawa ko. >.<

                Saktong nung natapos na yung nasa washing machine, bigla kong narinig yung phone ko na nagriring. Tinakbo ko naman at sinagot agad.

                “Hello?”

                Saydie?

 

                “Oh, Raissa. Anong meron?”

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon