Chapter 5

86.8K 1K 25
                                    

                I hate everyone. I hate this. Bigla tuloy akong nakaramdam ng galit sa mga magulang ko. Kung ‘di naman dahil sakanila, ‘di ako makukulong sa kwartong ‘to kasama ang lalakeng ‘to eh. Ayoko sanang magalit sa mga magulang ko, pero ‘di ko mapigilan eh.

                Umupo ako sa sofa at tinalikuran siya. Sobrang nakakainis kasi siya. Atat lang? ‘Di marunong maghintay? Oo, mag-asawa na nga kami. Pero kahit na!

                Di ba pwedeng maghintay?! Badtrip talaga.

                Pumunta si Price sa harap ko at tinignan ako sa mga mata. Dahan-dahang lumalapit ang mukha niya sakin. Ako naman, dahan-dahan ding lumalayo. Lumayo ako ng lumayo hanggang sa napahiga ako sa sofa.

                Galing ko din talaga no? *sarcasm*

                At ako’y nakahiga na nga sa sofa habang si Price, gumagapang ba naman papalapit sakin. Nung magkatapat na ang mga mukha namin – alam mo na itchura namin nun – lumapit na naman ang mukha niya sakin. Nakahiga ako. Siya naman – hindi naman sa nakapatong, pero nasa taas siya at ang mga braso niya nasa magkabilang gilid ko.

                Sobrang lapit na naman ng mukha niya sakin. Sa sobrang inis ko, tinulak ko siya. Nahulog siya sa sahig.

                Buti nga sakanya.

                “Dun ka na nga! Lumayo ka sakin!” sigaw ko.

                “Fine. Diyan ka matulog sa sofa,” sabi niya na may pangungutya. “Solong-solo ko ang kama!”

                Walanghiya ‘to. Nakuha pang mang-asar. Nakakabadtriiiiip.

                Sabagay, mas ok na ‘to. Kaysa naman katabi ko sa kama ang manyak na yan. Kahit sa sahig na ko matulog. Wag lang sa tabi ni Price.

                NAKAKAINIS! Ano ba ‘tong napasok ko?!

------------------------

Kinabukasan...

                “Hoy! Mrs. Realde! Gumising ka na! Anong petsa na, tulog na tulog ka parin! Gumising ka na nga!” sigaw ng isang bakulaw pagdating ng umaga.

                Umagang-umaga, nang-iinis na.

                “Bakit ba? Pwede bang patulugin mo muna ako?” sabi ko. Napansin kong nakabihis at nakaligo na siya. Mukhang may lakad.

                “Napapanaginipan mo siguro ako kaya ang sarap ng tulog mo. Wag mo na kong pagnasaan sa tulog mo. Nandito naman ako eh. Reality pa,” asar ni Price.

                Ang kapal ng mukha.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon