Chapter 67

26K 342 31
                                    

UPDATE! But before that, guys, pagpray natin ang country ha? Let's pray for protection. Seriously. Bago mo basahin yung update, why don't you talk to God for a while? As in, now na. Let's ask God for protection para sa lahat, na humina kahit pano yung bagyo. Nothing is impossible right?

Oh game na. Seryoso ha? Pray ka muna. ;>

..

...

Okay na? Sure ka ha? Let's all trust God in these times of storms, kahit literal man na storms yan o mga "bagyo ng buhay". Tiwala lang sa Kanya. ;> Keep safe guys!

***

                Kakatapos lang namin kumain ng breakfast nang biglang may kumatok sa pinto. Agad din naman itong nagbukas, at laking gulat namin nang pumasok sina ate Jenny, kuya Paolo, at syempre si Princess. Sumunod din ang mga magulang nila.

                “Hi,” nakangiting bati sa amin ni ate Jenny. Pero halatang pinipigilan niyang umiyak. Medyo basa pa ang mukha niya.

                “Oh, ate, nandito kayo!” masayang sabi naman ni Price.

                Nakangiti parin si ate Jenny habang papalapit siya kay Price, pero tumutulo na ang mga luha niya. Siguro dahil na din nakita niyang sobrang saya ni Price nang dumating sila.

                Agad naman siyang niyakap ni ate Jenny. Nakita ko ang reaction ni Price. Sobrang saya niya. He was so happy, his eyes were beginning to fill with tears. He was trying hard not to cry, but he couldn’t control it.

                Napaka-genuine ng saya ni Price ngayon—ngayong kasama niya ang buong pamilya niya. Hindi ko ma-describe yung liwanag sa mga mata niya eh. I... I felt a strong tug at my heart. I knew I had to give them time with each other. He needed to spend time with his family.

                “Mommy,” sabi ko sa mom ni Price na pinipigilan ring umiyak. “I’ll... just go outside and get some food. Do you want anything?”

 

                Ngumiti siya. Siguro naintindihan niya kung anong gusto kong gawin. “No, dear. Thank you,” sabi niya. “Your family is outside, too.”

 

                Napangiti din ako. Nandito din pala sila Mom. Niyakap ko nalang sina Mommy at Daddy at saka lumabas. Doon naman ay nakasama ko din ang pamilya ko.

                I stayed with my family for about an hour, until we finally decided to return to Price’s room.

                Madaming sinabi sakin sina Mom at Dad, pero may isang ‘di ko makalimutan, “Just trust God, and know that no matter what happens, He knows what He’s doing. He knows what’s best.” Ganun din ang paulit-ulit na sinabi ni Price sa akin.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon