Chapter 10

54.1K 718 21
                                    

            “Good evening, Mrs. Realde,” sabi nung lalake sa front desk or something like that. Si Jason.

            “Good evening, Jason,” sabi ko naman ng may ngiti. “Um, dumating na ba si Price?”

            “Hindi pa po, ma’am.”

            Biglang kumulo ang dugo ko.

            “Ganun ba? Baka may inasikaso lang,” sabi ko para ‘di naman siya magtaka na ‘di kami magkasama. “Sige, salamat.” At umakyat na ako sa penthouse.

            Walangya din talaga yung lalakeng yun. Appointment my face. May appointment-appointment pa siyang nalalaman. If I know, nakipag-date lang yun.

            Ako’y umakyat na.

            Dahil busog na ako, tumambay nalang ako sa sala at gumawa ng homework.

            Halos isang oras na ata ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Price. Sino pa nga ba?

            ‘Di niya pa ako pinapansin. Nagdere-derecho siyang ilapag ang mga gamit niya tapos sinimulang tanggalin ang relo niya. Papunta na siya sa kwarto niya nang napansin niya ako.

            “Oh, anong oras ka nakauwi?” tanong niya lang.

            “An hour ago,” sagot ko naman.

            “Ahh. Something came up kasi kanina,” sabi niya.

            Pilit akong tumawa. “If I know, nakipagdate ka lang.”

            Umarte siyang parang gulat na gulat. “Paano mo nalaman?!” OA niyang tanong. Asar talaga ‘to.

            Napatayo ako. Wala eh, naasar ako eh. “So nakipagdate ka nga?”

            “Oh, bakit? Selos ka?” tanong niya na may pang-asar na ngiti.

            Uminit ang buong katawan ko. Konti nalang at baka mahagis ko itong glass table sa mukha niya. Iniwan niya ako sa school na naghihintay para lang makipagdate sa kung sino na namang babae?!

            Tumawa ako. “Ako? Magseselos? Mas gugustuhin ko pang mamatay. Besides, ‘di lang naman ikaw ang nakipagdate.”

            Napatingin siya sakin. Medyo kinabahan ako. Baka kasi bigla na naman siyang magalit tulad dun sa Boracay.

            “Hmm. Fine. Date all you want. At the end of the day, sakin ka rin mapupunta,” mahinahong sagot ni Price.

            Lalo lang akong naasar. Ganun yun? Ganun ang sasabihin niya sakin? Yun ba ang ipapamukha niya sakin? Na wala na akong choice kundi siya?

            “Ikaw din. Kahit anong gawin mo, ako parin asawa mo,” sabat ko naman.

            Napatingin ulit siya sakin at mabilis na lumapit hanggang sa nasa mismong harap ko na siya.

            “Edi nagseselos ka nga?” mahinang tanong niya. Nasa harap na harap ko na siya. As in yung mga mukha namin ilang inches nalang ang layo.

            Napatigil ako. Kasi nga sobrang lapit na niya.

            Iniisip mo sigurong dahil sa sobrang lapit niya at nakatitig siya sa mga mata ko, nanlambot ako at nasabi kong oo. Ganun lagi ang nangyayari sa mga palabas diba? Pero iba ‘to eh. Dahil sa paglapit niya sakin, lalo lang akong nagalit sakanya.

            As in sobra-sobrang major-major na galit. Nanggagalaiti ako sa galit. Dahil siguro ang kulit niya at pinipilit niyang nagseselos ako. Ayaw na ayaw ko pa naman ang pinipilit ang mga bagay-bagay sakin.

            “Hindi ako nagseselos! Bakit ako magseselos?! Pakialam ko ba sa mga ginagawa mo? Hindi ko naman ginustong makilala ka eh! Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang matulog sa lansangan kaysa tumira sa ilalim ng iisang bubong kasama ka!” sigaw ko.

            Nanginginig na ako sa galit.

            “EDI UMALIS KA NA!” sumigaw din siya.

            Natigilan ako. ‘Di ko alam kung bakit, pero para akong sinuntok. Nanghina ako bigla. Naramdaman ko na ang mga luha sa mata ko.

            Tumalikod ako at tumakbo sa kwarto bago pa tumulo ang mga ito. Pagkasara ng pinto, ‘di ko na napigilan.

            Humagulgol ako.

            Ngayon ko lang ata nakita siyang nagalit. Lalo na sakin. Pano ‘pag araw-araw kaming ganito?

           

            Ayoko na. Gusto ko nang sumuko. Ilang araw palang kaming magkasama, halos gusto ko nang takasan ‘to.

            Bakit ba kailangang mangyari sakin ‘to?!

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon