Chapter 22

52K 664 24
                                    

                Nakatulog na si Princess paglabas namin ng supermarket. Binuhat siya ni Price nung papunta na kami sa parking lot. Ako naman ang nagtulak ng cart.

                Naunang maglakad si Price na buhat-buhat si Princess. Ako naman sumusunuod lang. ‘Di ko tuloy maiwasang mapansin ang kakaibang itsura ni Price ngayong nasa mga braso niya si Princess. Nakakatuwa silang panoorin. Para talaga silang mag-ama, lalo pa’t may hawig ang dalawa. Iba talaga ang dating ‘pag ang isang lalake may buhat na bata.

                Para akong nakakita ng ibang Price. Nag-iba siya bigla. Bigla kong nakita yung pag-aalaga niya. Ewan ko ba. Ang hirap i-explain. Basta iba talaga impact sakin na makitang buhat ni Price si Princess. ‘Di ko mapigilan ang ngiti ko.

                Tahimik kaming pareho sa biyahe pauwi. Pero kahit ganun, ‘di naman awkward yung katahimikan. Komportable kaming pareho. Medyo pagod lang siguro kami kaya natahimik kami. Sigurado naman akong walang nangyari sa aming masama para magkatampuhan kami.

                Natignan ko nalang ulit si Princess na hawak-hawak ko na ngayon. Nakakatuwa talaga. Parang anghel. Nakakaramdam na rin tuloy ako ng connection dito kay Princess. Parang gusto ko na rin tuloy siyang ituring na anak. Pero hindi eh. Pamangkin ko si Princess. Tagapag-alaga lang ako.

                Ay, teka. Ano nga ba ngayon? Sunday diba? So bukas, Monday? Tama? Which means, may pasok bukas. Tama? So pano ‘tong si Princess? Eh may exam pa nga pala kami bukas! ‘Di pa ako nakakapag-review!

                “Price, pano pala bukas? May pasok tayong dalawa. Pano ‘tong si Princess?” tanong ko. “Eh may exam pa ako bukas.”

 

                “Ah, ganun ba? Sige, ako nang bahala kay Princess. Mag-exam ka nalang.”

 

                “Sigurado ka?”

 

                “Oo. Katatapos lang din naman ng exam namin.”

 

                Hmm. Ok. Sana lang maalagaan talaga nitong si Price si Princess. Well, sabagay sumusunod naman itong si Princess kay Price.

                Pagdating namin sa condo, bumaba kami ni Princess. Tulog na tulog parin siya. Si Price naman kinuha yung mga pinamili namin. Ang dami kasi sobra eh. Hirap din mag-alaga ng bata. Hirap din gumalaw.

                Pag-akyat namin sa condo, inilapag ko na si Princess sa gitna ng kama ko. ‘Di naman siguro siya mahuhulog, ‘no? At isa pa, malaki naman itong kama ko, kaya safe naman siguro siya dito.

                Nakasalubong ko si Price na papunta sa kusina. “Price, itago mo nalang yung extra bed dun sa kwarto ko. Dun nalang sa kama ko matutulog si Princess,” sabi ko paglabas ko ng kwarto. Medyo masikip din kasi eh. At least mas maalagaan ko pa lalo si Princess.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon