Chapter 4

81.9K 1K 26
                                    

Ang nakaraan...

                “Ano, tara na?” biglang tanong ni Price na nakatitig lang sakin.

-------------------------

                Tinulungan ako ni Price na buhatin yung gown ko. Bigat din kahit pano. Pumunta muna kami sa front desk.

                “Good evening, Mr. Realde. What can I do for you?” sabi nung lalake sa front desk.

                “Hi. Paki-assist naman kami. Yung gamit namin pakiakyat nalang sa kwarto. Salamat,” sabi ni Price sabay pulot sa gown ko ulit. Syempre naglakad na din ako. Sumusunod samin yung nag-aassist na hawak ang mga gamit namin. San kaya nanggaling ang mga gamit kong to?

                So yun. Inaalalayan ako ni Price sa pagpunta sa kwarto. Nakakapagod din ha. Medyo pagod na ko. Pero biglang nawala nung naalala kong matutulog kami sa iisang kwarto nitong asawa kong ngayon ko lang nakilala. Feeling ko tumigil pagtibok ng puso ko.

                Biglang tumigil sa Price at humarap sa isang pinto. Bumilis naman ang pagtibok ng puso ko. Eto naaaa...

                Binuksan niya ang pinto at pumasok kami. Ang laki ng kwarto. Grabe. Ang ganda, promise. Ang ganda pa ng view. As in. Kitang-kita yung dagat. Tapos full moon pa. Grabe. Di ko ma-explain. Basta ang ganda talaga.

                Naglakad ako papasok. Iniwanan ko si Price dun sa may pinto. Dumerecho ako dun sa malaking wall na made of glass kung saan kitang-kita yung beach.

                Oo nga pala, nakalimutan ko atang i-mention. Nandito pala kami sa Boracay. Dito actually yung kasal. And yung bahay na pinanggalingan namin kanina, bahay ng relative namin. Kaya dito na rin ang “honeymoon”. Ayaw ata kasi ni ate na sa ibang bansa mag-honeymoon.

                “Ok na po ba, sir?” biglang tanong nung lalakeng tumulong samin. Nakalimutan kong may isa pa palang tao dito. Namangha lang kasi talaga ako sa kwarto. Ganda talaga eh.

                “Yes, thank you,” sabi naman ni Price. ‘Di ko sila tinitignan. Inaadmire ko pa kasi yung view.

                “Congratulations, sir, ma’am,” sabi nung lalake bago umalis. Narinig kong nagsara yung pinto.

                Dun ko na-realize na kaming dalawa lang dito ni Price.

                ........

                Nawala na yung isip ko sa ganda nung place. Humarap ako kay Price na nagtatanggal na nung coat niya.

                Ang gwapo talaga. :””>

                “Um, magpapalit lang ako,” sabi ko sabay kuha ng bag ko at punta sa CR.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon