Chapter 14

61.4K 750 18
                                    

                Uwian na. Nagsisi-uwian na ang mga estudyante. Ako, nasa may entrance, nakaupo. Ayokong umuwi. Malamang.

                Tulala lang ako. ‘Di ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong balak. Wala akong plano. Kahit naman ‘di ako umuwi, ‘di ko din alam kung saan ako pupunta. Kaya ‘di ko talaga alam gagawin ko.

                “Girl, ayos ka lang? Kanina ka pa namin hinahanap. Andito ka lang pala,” biglang sabi ni Raissa na umupo sa tabi ko kasama sina Chris at Daniel.

                Pilit akong ngumiti. “Ayos lang ako.”

 

                Tumingin sakin si Daniel. Kitang-kita ang pag-aalala nila sakin. Lalo na si Daniel. Ayokong makita silang ganito dahil sakin. Ang lulungkot ng mga itchura nila dahil sakin. ‘Di pwede ‘to.

                Ngumiti ulit ako. Ngayon, mas totoo. “Ano ba naman kayo. ‘Wag ngang ganyan mga mukha niyo. SMILE!”

 

                Nagtinginan silang lahat. Tumingin ulit si Daniel sakin. Napangiti siya sa sarili niya. ‘Di ko alam kung bakit.

                “Smile smile ka diyan! Ikaw nga nakasimangot diyan eh. Nakakahawa ka kasi!” sabat naman ni Raissa.

                “Eh ano na bang plano mo, Saydie?” tanong ni Chris. “Anong oras mo balak umuwi?”

 

                Nakatingin si Daniel sakin, hinihintay ang sagot ko.

                Napabuntong-hininga ako. “Hindi ko alam.”

 

                Natahimik ang lahat. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Ayokong umuwi, pero ‘di ko din alam kung saan ako pupunta. Kung pwede lang na mag-stay ako dito sa school, mas gugustuhin ko pa.

                Ok lang naman kung kasama ko itong sina Raissa at Chris. Pero masaya kasi sila sa isa’t isa. Kaya siguradong mas mabibitter lang ako ‘pag magkakasama kami. Si Daniel naman... Gusto kong magpasama sakanya, pero alam kong ‘di tama. Baka lumala pa ang lahat. Baka pati si Daniel madamay.

                Sa ngayon, mas mabuti atang mag-isa lang ako.

                “Do you want to hang out somewhere? Or dinner? You want to eat?” biglang tanong ni Daniel.

                Ughh. Gusto ko! Gusto kong sumama! Gustong-gusto ko talaga! Bakit ko ba iisipin si Price? ‘Di niya naman siguro malalaman kung sasama ako kay Daniel diba? Pero pano pag nalaman nga niya? Paano ‘pag si Daniel ang punteryahin niya? ‘Di ko ata mapapatawad sarili ko ‘pag napahamak si Daniel dahil sakin.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon