Chapter 60

25.6K 290 16
                                    

YAAAAYY! UPDAAAATE! Omg. Di ko inakala. Hahahaha. Anyway, MARAMING MARAMING SALAMAAAAT SA PAGHIHINTAY! Hindi pa naman masyadong hectic kaya naisingit ko 'to. Hahaha. (This would've been longer, pero ito lang muna kinaya ko. Hihihi). Sana makaupdate ako sooon. Sa ngayon, eto po muna. Hihihi. Again, TENKYU TENKYU SA LAHAAAT! MWAAHH! GOD BLESS! :>

~LOVE EXPLOSIONS!

***

                Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang text ni Karen kay Price. I couldn’t believe it. How could this even happen?!

                Bigla kong narinig na bumukas ang pinto ng kwarto kaya agad ko namang nilapag ulit ang phone ni Price. At gaya ng hinala ko, tahimik niya lang na kinuha ang phone at bumalik sa kwarto. Ni hindi niya manlang ako tinignan.

                Wow. Ang sakit.

                Dahan-dahan akong sumunod kay Price sa kwarto, with my feet getting heavier with each step.

                Pagpasok ko sa kwarto, nagre-ready nang matulog si Price.

                “P-Price,” mahina kong tawag sakanya. Masakit parin kasi ang nangyayari, but I just let it be. I had to pretend like there’s nothing going on. “M-May... May gagawin ka ba bukas?”

 

                Ramdam na ramdam ko ang lakas ng kabog ng puso ko. I realized that I was holding my breath, waiting for his answer.

                Tumingin siya sa akin. Nagulat ata sa tanong ko.

                “I have a business meeting,” he said in the coldest voice possible.

                “P-Pwede ba akong... sumama?” tanong ko with hesitation. “I-I want to know... what’s happening. I-I can help.”

 

                Pinipigil ko na naman ang paghinga ko, hinihintay ang sagot niya. I just really wanted to be there. Gusto kong malaman kung ano pa nga ba talaga ako sakanya.

                Bigla niya akong tinignan sa mga mata. At grabe, para akong sinaksak sa nakita kong sakit sa mga mata niya. He looked at me with so much pain.

                But then he smiled. A forced smile that didn’t reach his eyes.

                “No need,” sabi niya, still with that forced smile plastered on his face. “You can just stay in the office. Diba we have a new project? Malapit na ang deadline nun. It would be better if you work on it instead.”

 

                Binagsakan na ako ng langit at lupa.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon