Chapter 51

27.8K 334 14
                                    

                Gutom na gutom na talaga ako. (T_T)

                Umaga na, pero hanggang ngayon wala paring laman ang tiyan ko. ‘Di ko inakalang aabot ako ng ganito katagal na walang pagkain. Pero sigurado akong konti nalang, bibigay na ang katawan ko. >.<

                Kailangan ko ng pagkain! Pero wala eh. Pati si Price, wala. Mukhang ‘di pa bumabalik.

                Aish. Wala namang mangyayari kung maghihintay lang ako dito. Maghahanap na nga lang din ako ng pagkain. Wala naman akong kailangang bantayan na isda ngayon diba?! Tss.

                *lakad lakad...*

                Uy! Prutas ulit! Yung prutas kasi kagabi, hindi naman ata nakakain! Sobrang pangit ng lasa! >.<

                Etong prutas naman mukhang edible. Sana nga edible! Matikman nga.

                O_O

                PWEH! ANG PANGIT DIN NG LASA! >.<

                Aish. Makahanap na nga lang ng iba!

                *lakad lakad... lakad pa... konting lakad pa...*

                Haaay! Grabe naman ‘to! Ilang oras na ata akong naglalakad, wala manlang akong makitang prutas na kilala ko! Gutom na gutom na po ako! (T__T)

                Ang sakit pa ng mga paa ko! At sobrang pagod na din talaga ako. Pakiramdam ko hihimatayin na ako.

                O.o? Hmm? Teka... parang... may nakita ako dun sa tuktok ng puno ahh? Parang... bird’s nest?

                Baka may itlog dun na pwede naming lutuin! Malayong mas okay yun kaysa sa mga inedible na fruits na nakikita ko.

                Ngayon, ang kailangan ko lang ay umakyat sa puno. Hindi naman siguro mahirap. Kaya ko ‘to!

                *akyat*

                Sabi na nga madali lang eh. Bwahahaha! PAGKAAAIN!

                Sinilip ko yung nest. Medyo malayo din kasi. Kailangan pang abutin. Pero nakita kong meron ngang itlog. Tatlo pa nga ata eh.

                Hay! Sa wakas! Makakain na din akooo! Kailangan ko nalang makuha yun.

                Ngayong aabutin ko na, saka ko lang narealize na medyo malayo din pala talaga. Pero kahit na! Kailangan kong makuha yun!

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon